chapter 45

116 3 0
                                    


Cendy's POV

Binuhat ni marky si Morgan saka lumabas na ng cr.
Napatakip ako sa mukha ko saka humagulhol ng iyak.

Di ako na niniwala sa mga sinasabi nya, mahal nya ako yun yung narardaman ko.

"Bessy" si Gwen sabay yakap sakin

"Tama na yan" si mia sabay hinagud nya yung likod ko.

"Wag ka ng umiyak ang pangit muna" si Elisa

"Ang sakit!" Mahina Kong sabi.

"Mawawala din yan" sagot ni Gwen

"Kailan?"

"Basta mawawala din yang sakit na yan mapapalitan ng saya yan sa tamang panahon" paliwanag ni Gwen

Umuwi ako ng maaga dahil wala akong ganang pumasok ngayon.
Hinatid naman ako nila Gwen.

Andito ako ngayon sa kama ko Panay iyak, ayaw kasi tumigil yung mga luha ko.

"Cendy anak?"

Pumasok si mama sa kwarto ko,sabay upo sa kama ko.
alam nadin nila yung nangyare.

"Ma" mahina Kong sabi.

"Tahan na nak" na iiyak na sabi ni mama.

"Ang sakit kasi ma" sabi ko sabay yakap Kay mama.

Pero ang alam lang nila mama ay hiniwalayan ako ni marky, di nya alam yung tungkol Kay morgan.
At ayaw ko din yun sabihin Kay mama baka ipa transfer nila ako.

"Ganyan talaga nak eh tanggapin mo na lang na di kayo yung pinag tagpo ng tadhana"
Sabi ni mama sabay haplos ng buhok ko.

"Mahal ko sya ma" sabi ko sabay humagulhol ng iyak.

"Alam ko yun nak, pero wala tayong magagawa"

"Maaaaa!"

"Tama na yan mawawala din yan nak, kung kayo talaga kahit mag ka hiwalay pa kayo mag kabalikan kayo kung kayo talaga yung pinag tagpo ng tadhana" paliwanag ni mama

Tama si mama, pero ang sakit lang dahil mahal ko sya.
Matagal ko na'tong pinangarap na maging kami ni marky.
Naging kami nga nag hiwalay naman.

*fast forward*

Lumipas ang mga araw diko na nakakausap si marky at nakikita.

Ayaw ko na din syang makita dahil pag nakita ko sya babalik at babalik lang yung sakit.

I Fell In Love With My Best Friend(LISKOOK Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon