23

326 11 3
                                    

Nicolette

Napagdesisyunan kong puntahan si Jiah. Kawawa naman pag pinaghintay ko sya dun.

Nakita ko syang nakapangalis. As usual. Nakapalda. Ayaw na ayaw nag papantalon nyan eh 😑😑

Nilapitan ko sya.

"Ano nanamang balak mo?," tanong ko.

Niyakap nya naman ako.

"Bitawan mo ako Jiah ano ba?," tanong ko. Binitawan nya naman ako.

"Nicolette. Sorry sa lahat. Sorry kung pinagpalit kita at pinutol ang koneksyon natin. Sorry. Alam kong gusto mo si Seungmin dati. Sorry kung inagawan kita," sabi nya at umiyak.

"Sorry din kay Seungmin. Minahal ko naman talaga sya eh. Kaso anong magagawa ko? Antanga ko eh. Sumama ako sa lalaking minahal lang pala ako dahil sa pustahan," sabi nya.

"Siguro nga. Kailangan ko ng magising sa katotohanan na hindi ko na maibabalik ang dati," sabi nya pa.

"Wala na talaga akong mababalikan. Pero salamat sa lahat Daejin. Salamat at naging bestfriend kita dati. Hindi mo talaga ako deserve maging bestfriend," sabi nya at nagpunas ng luha.

"Bakit di ka pumasok?," tanong ko.

"Ahh. Mamaya na yung flight namin papuntang LA. Babalik na ako dun for good. Dun ko na tatapusin ang pagaaral ko. Para rin makapag move on na ako," sabi nya. Tumango naman ako.

"Sige. Mauuna na ako ah. Susuko na ako kay Seungmin. Ingatan mo sya ah," sabi nya at umalis.

"Jiah," tawag ko. Lumingon naman sya.

"Mag iingat ka," sabi ko. Ngumiti naman sya at tuluyang umalis.

----------

Nandito kami ni Seungmin sa 7/11 ngayon. Hinihintay kasi namin sina Seunghee, Hyunjin, Jisung,Jeongin at Felix. Balak kasi namin mag mall after. Kaso may ginawa pa sila sa school kaya naghintay na lang kami dito.

"Sana naman wala na si Jiah dito," sabi ni Seungmin.

"Wala na talaga yon," sabi ko. Tumingin lang sya sakin.

"Saan ang burol?," tanong nya. Nanlaki naman yung mata ko.

"Alam kong ex mo yun pero wag ganyan," sabi ko at tumawa.

"Ano bang nangyari?," tanong nya.

"Wala bumalik na sya ng LA. Mag momove on na daw sya," sabi ko.

"Waw. Chismosa ka din ano?," tanong nya.

"Luh. Sinabi nya kaya sakin yun. Nag sosorry nga sya satin eh," sabi ko.

"Okay.  Atleast wala ng manggugulo sa atin," sabi nya. Sinubsob ko na lang yung mukha ko sa lamesa.

"Nikki??," may nagtanong. Napabangon naman ako.

"Donghyuck!," sigaw ko at niyakap sya.

"Ehem," paglinis ni Seungmin ng lalamunan nya.

"Correction. Haechan na ako ngayon," sabi ni Donghyuck.

"Luh. Sino naman nagbigay ng pangalan sayo nun?," tanong ko.

"Tropa ko hehe," sabi ni Donghyuk.

"Basta Donghyuck pa rin tawag ko sayo," sabi ko at pinaupo sya sa tabi ko.

Tinignan naman ni Donhyuck si Seungmin.

"Boypren mo?," tanong ni Donghyuck.

"Tanga hindi," sabi ko at hinampas sya.

"Ay oo nga. Sabi mo nga pala may crush ka tas loyal ka sa kanya," sabi ni Donghyuck. Masasampal ko bibig nito eh.

"Yung Seung-," agad kong pinaghahampas si Donghyuck hanggang sa umalis sya sa upuan.

"Tangina mo. Ang ingay mo," sabi ko.

"De joke lang. Namiss kita eh," sabi ni Donghyuck.

"Che. Ewan ko sayo," sabi ko.

"Nga pala. Eto si Kim Seungmin. Seungmin eto naman si Lee Donghyuck," sabi ko. Shookt naman si Donghyuck.

"Hala Nikki! Sya yung cru-," sabi ni Donghyuck pero pinagilan ko at tinakpan ang bibig nya. Tinanggal nya na iyon.

"Sorry bro. Nice meeting you bro. May tiwala naman ako sayo bro. Inagatan mo si Nikki. Cru-," sabi ko at sinipa ko sya.

"Umuwi ka na nga. Gago ka," sabi ko.

"Sige. Hehe. Seungmin. Ingatan mo bestfriend ko," sabi no Donghyuck. Tumango naman si Seungmin.

"Hoy! Baka pag uwi mo.. malaman ko kayo na HAHAHAH. Wag malandi," sabi Donghyuck at umalis. Naiilang tuloy ako kay Seungmin.

"Mukhang close kayo ah," sabi nya.

"Oo. Kababata ko yun. Minsan nga dindalaw ko sa Jeju yun pag nagbabakasyon kami nina Kuya eh," sabi ko. Ngumiti lang sya. Buti na lang at dumating na sina Seunghee. Nakakawkward na kasi eh.

Silently | k.smTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon