Nicolette
Masaya kaming pumasok ni Seungmin sa school. Di na kami katulad ng dati na awkward pag magkasama.
"Hulaan mo kung ano yung tunog ng puso ko," sabi ni Seungmin.
"Lubdub?," tanong ko. Umiling naman sya.
"Eh ano?," tanong ko.
"Ikaw ikaw ikaw," sabi nya at sinendan ako ng small hearts.
"Pano ba yan? Yun din tunog ng puso ko," panloloko ko.
"Ikaw talaga," sabi nya at niyakap ako.
"Uy. Pag ikaw may nakakita sa atin," sabi ko
"Eh ano naman?," tanong nya.
"Kaya kong ipagsigawan sa buong mundo na gusto kita," sabi nya.
"Alam mo ba.. 2 years na kitang gusto?," tanong ko. Nanlaki naman yung mata nya.
"Ako yung unang nagkagusto sayo. Tas nagustuhan ka na din pala ni Jinah. Buti na lang walang nakakaalam kaya ginawa ko na lang secret," sabi ko at binaon yung mukha ko sa dibdib nya.
"Share mo lang?," tanong nya. Bwisit to ah. Sinipa ko naman sya at umalis.
"Bahala ka nga sa buhay mo," sabi ko. Nagulat ako ng may nagback hug sakin.
"Sorry na. Joke lang yon," sabi ni Seungmin.
"TANGINA?,"
Napatingin ako sa nagsalita. Puta?
Agad kong pinalo si Seungmin para tanggalin nya yon.
"Bakit? Ayaw ko nga. Galit ka eh," sabi ni Seungmin.
"Tanga nakita tayo ni Donghyuck," sabi ko kaya napatayo sya.
Nung nakita ni Renjun si Seungmin bigla nyang naibuga yung tubig na iniinom nya.
"Kayo na ba?," tanong ni Renjun.
"Hindi hehe," sabi ko.
"Ayusin mo yan Nikki. Di kami tanga," sabi ni Donghyuck.
"Hindi nga kami hehehe.. di ba Seungmin?," tanong ko.
"M.U. pa lang hehe," sabi nya. Kaya napatahimik ako.
"Tangina seryoso kayo?," tanong ni Donghyuck at tumawa. Tumango naman si Seungmin.
Hinila ako ni Donghyuck at niyakap.
"Awiiee. Dalaga na si Nikki. Crush na sya ng crush nya," sabi ni Donghyuck. Aba gago to ah.
"Pre distansya pre," sabi ni Seungmin.
"Oo na. Basta ingatan mo bestfriend ko," sabi ni Donghyuck at nagpaalam samin.
"Yiiee. Crush na sya ng crush nya," sabi ni Seungmin.
"Ayiee. Bahala ka sa buhay mo," sabi ko at bumalik na ng room.
------
Uwian na ngayon. Kasabay namin sina Seunghee at Hyunjin pauwi. Kami naman ni Seungmin magkalayo kasi kasama ko si Seunghee.
"Tanga ka talaga. Sayang si Jeno. Malay mo ligawan ka," sabi ni Seunghee sakin.
"Ayoko nga. Di ko naman sya type eh. Masasaktan lang sya," sabi ko at tumingin kay Seungmin.
"Aba choosy ka teh ah. Gaga to," sabi ni Seunghee.
"Oi nakakainggit naman. Mag oovernight si Hyunjin sa bahay. Tas ako wala akong friend," sabi ni Seunghee.
"Bakit gusto mo ba?," tanong ko.
"Oo," sabi nya.
"Sige na. Kukuha lang ako ng gamit sa bahay," sabi ko.
"Ayoon!!," sigaw ni Seunghee.
"Samahan na kita. Mauna na kayo sa sabay Min," sabi ni Seunghee.
"Seunghee. Malapit na mag gabi. Mapano pa kayo," sabi ni Hyunjin.
"Oo nga," sabi ni Seungmin at tumingin sakin.
"Osige na sige na," sabi ko.
_______
Nandito na kami kayna Seunghee.
"Tara guys truth or dare," sabi ni Hyunjin.
"Game," sabi ko. Kaya umupo na kami sa lapag. Since umalis na yung mama ni Seungmin at di daw uuwi si Kuya Wonpil. Kaming apat lang ang nandito.
Tumapat yung bote kay Seunghee.
"Truth," sabi nya.
"Sino first crush mo?," tanong ni Hyunjin.
"Huang Renjun," sabi ni Seunghee. Shookt si Hyunjin ngayon. So sya lang pala di nakakaalam?
Pinakot na ni Seunghee yung bote. Tumapat naman yun sakin.
"Truth or dare?," tanong ni Seunghee.
"Dare," sabi ko. Nako mukhang may masamang balak si Seunghee ah.
"Kiss mo si Seungmin sa cheeks," sabi ni Seunghee. Sinamaan ko naman ng tingin si Seunghee. Ngumiti lang si Seunghee kay Seungmin.
Nung hahalikan ko na si Seungmin.. bigla syang humarap sakin kaya nahalikan ko sya sa labi nya.
Agad akong natawa sa nangyari at pinalo palo si Seungmin.
"Bwisit ka Seungmin," sabi ko at hinampas sya.
"Bakit gusto mo naman eh," sabi ni Seungmin at ngumiti.
"Eh ikaw rin gusto mo din eh," sabi ko.
"Cheeks daw. Isa pa," sabi ni Seungmin at tinuro nya yung cheeks nya
"Eh baka gawin mo ulit yun," sabi ko. Kaya umayos na ako ng upo.
"Uhm guys mag peprepare lang ako ng pagkain ah," sabi ni Seunghee.
"Tulungan na kita," sabi ni Hyunjin at pumunta na sila ng kusina.
Niyakap naman ako bigla ni Seungmin.
"Namiss kita," sabi nya.
"Luh. Ilang oras lang tayong di nagkasama," sabi ko.
"Ehh?," tanong nya.
"May gagawin lang ako sa kwarto ah," sabi ni Seungmin at pinayagan ko naman sya.
Nilibot ko yung paningin ko sa bahay nila. May mga pictures sila ng Kuya nya at ni Seunghee.
Nang mainip ako kakahintay. Dumeretso ako sa kwarto ni Seungmin. Since nakabukas. Sumilip lang ako. Ginagamit nya yung computer nya.
Niyakap ko naman sya. Halatang nagulat sya eh HAHAHA.
Nakita ko yung pictures naming dalawa sa isang frame. Pati yung desktop nya na picture naming dalawa ang wallpaper.
"Ikaw ah," sabi ko.
"Bat ka pumasok dito?," tanong nya at tinakpan yung nasa Laptop nya.
"Wag mo ng takpan. Nakita ko na," sabi ko.
Umupo naman ako sa kama nya. Humarap naman sya sakin.
"Uhm Seungmin.. tayo na ba?," tanong ko.
"Hay nako Nikki. Dapat ako nag tatanong saiyo nyan eh," sabi ko.
"Ehh kasi sa ginagawa natin parang tayo na eh. Sinisiguro ko lang," sabi ko.
"Alam mo Nikki. Gusto kong iparanas sayo na kahit pa paano may nanligaw sayo at may sinagot ka. Liligawan muna kita okay?," tanong nya at inayos yung buhok ko.
Waaah. Ang swerte ko pala sayo Seungmin ❤ Kaya mahal na mahal kita eh.
BINABASA MO ANG
Silently | k.sm
Short Story"Matagal na akong may gusto kay Seungmin, silently," Stray Kids Chatfic Series #1 Hwang Hyunjin × OC :: notes before reading ▪︎marami pong bad words na nakasulat dito. ▪︎this is just a fictional story, lahat po dito ay gawa gawa lamang ng aking imah...