ACLC:1

38 0 0
                                    

CHAPTER 1: The Wedding

"Hijo, binabalaan kita. Huwag mong sasaktan ang anak ko kundi malilintikan ka talaga sa'king gago ka."

"Pa, nasa simbahan po tayo."-paalala ko kay papa.

Hindi niya pa ako ibinibigay kay Liurd at alam ko ring ayaw niya pang gawin iyon, base na rin kasi sa pagkakahawak niya sa kamay kong nakapulupot sa kaniyang braso.

"Tandaan mo. Mayaman lang ang pamilya mo, at hindi ikaw. Kaya huwag na huwag mong tatangkain na saktan 'tong anak ko dahil magkakamatayan tayo."-paalala niya pa ulit.

"Pa,..."

"Opo, Papa."-yumuko si Liurd upang magbigay galang kay papa.

"Tarantado. Hindi kita anak kaya huwag mo 'kong matawagtawag na Papa."

Napangiwi ako at sinimangutan si Papa. He's so rude.

"Hala segi. Kung pwede nga lang tumutol ginawa ko na. Oh! Ingatan mo ang anak ko. Papatayin kita."-banta pa ni papa.

Ngumiti lamang si Liurd habang kinukuha ako kay papa. Nang magkaharap na kami ay kapwa kami napangiti sa isa't-isa. Namumula ang ilong niya. Batid kong umiiyak siya kanina habang naglalakad ako sa gitna ng aisle.

"Ano?! Hindi mo man lang ba mamanuhan ang manugang mo? Aba't walang galang 'to."

Mabilis kaming napaharap kay papa nang bigla na lang siyang nagsalita. Hindi pa pala siya umuupo?

"Opo."-ngumiti si Liurd at mabilis na kinuha ang kamay ni papa upang makapag-mano.

"Oh siya."

Tatalikod na sana si papa pero tinawag ko siya. Lumingon siya at nagtanong kung bakit.

"Pa, maraming salamat po."-naiiyak na sabi ko. Patakbo akong lumapit sa kaniya at agad na yinakap siya.

Naramdaman ko ang paghaplos niya sa likod ko kaya napahikbi ako sa ginawa niya.

"Mahal kita anak. Kaya kung may problema, huwag kang mahihiyang magtanong ah?"

"Kung may right med ba ito?"-sa gitna nang paghikbi ay hindi ko pa rin naiwasang huwag mapatawa.

"Hahahaha. Oo anak. Segi na. Hinihintay ka na ng lalaking 'yun."

Kumalas na ako sa pagkakayakap kay papa.

"Thank you po."

Tumango lamang si papa at tumalikod na upang maupo sa kaniyang upuan.

"Babe, may i?"

Ngumiti ako at ibinigay na ang aking kamay sa nakalahad niyang palad. Nagsimula na kaming maglakad patungo sa harapan ng pare.

"Face each other."

Utos nito. Humarap kami sa isa't-isa. Kapwa nagniningning ang mga mata dahil sa hindi mapangalanang saya.

"Ladies and gentlemen, family and friends, we are gathered here today to witness and celebrate the joining of Ylana  and Liurd in marriage. With love and commitment, they have decided to live their lives together as husband and wife."

Panimula ng pari, abot-abot ang kaba na aking nararamdaman ngayon. Kaba na hindi ko mapangalanan kung ano. Pero alam kong ito ay hindi masamang pakiramdam.

"Ylana and Liurd remember to treat yourselves and each other with respect, and remind yourselves often of what brought you together. Take responsibility for making the other feel safe, and give the highest priority to the tenderness, gentleness and kindness that your connection deserves."

A Childless CoupleWhere stories live. Discover now