(Ang full name po pala ni celine ay ----- Celine Mary Andrada).
Lima
3rd Person's P.O.V
"Patay na sya..."
Napaluhod si reese sa narinig nya. Di nya alam ang gagawin. Di nya alam kung paano nya papatahanin si celine at carl.
Lumapit si Reese sa kanyang namayapang tito na nakahiga sa kama ng ospital.
"Tito...bakit mo naman kami iniwana agad... anong ng mangyayari kila celine paano na sila ni tita. Tito, bumalik ka na Please kailangan ka pa ni celine." Sabi ng dalagang si reese na umiiyak.
"Papa, diba gigising ka pa? Diba mabubuhay ka pa? Diba aalagaan mo pa kami? Diba!?! Diba!?! Pagod ka na ba pa? Ayaw mo na ba sa amin? Bumalik ka na Papa..."
Reese P.O.V
"Papa, diba gigising ka pa? Diba mabubuhay ka pa? Diba aalagaan mo pa kami? Diba!?! Diba!?! Pagod ka na ba pa? Ayaw mo na ba sa amin? Bumalik ka na Papa.."
"...kailangan ka pa namin" sabi ni celine.
"Celine tama na! Accept the fact na wala na siya... di lang ikaw ang nawalan. Masakit. Masakit sa pakiramdam na wala na si Papa. Pero gumaan na din ng kaonti lang, kasi payapa na siya at di na siya mahihirapan." Sabi ni carl ng kakambal na lalake ni celine.
Nanlulumo ako. Parang gusto ng bumigay ng paa ko. Naaawa ako para kila celine at carl pati na din kay tita.
Tinawagan ko sa mama kanina para ipaalam na wala na si Tito chester pero di daw sya makakapunta maski gustong gusto niya dahil andami daw tao shop.
"Tahan na celine...wag ka ng umiyak. Sa tingin mo magugustuhan ni tito chester na nakikita kayong umiiyak ng dahil sa kanya? Diba hindi kaya tumahan ka na." Sabi ko pero di pa din sya natigil.
Lunapit ako kay carl at sinabing "Aalis muna ako. Ikaw na bahala kay celine sasabihin ko lang sa teachers na di kayo makakapasok ng ilang araw." At tumango lang sya "Kukuha na din pala ako ng pagkain ano gusto nyo?" "Kahit ano nalang sa akin reese. At salamat nga din pala kasi andito ka para sa amin" sabi nya at niyakap ako. Niyakap ko na din sya at humiwalay na.
Nandito na ako ngayon sa Jollibee para bumili ng pagkain nila at para sa akin na din. Buti na lang at hindi masyadong mahaba ang pila kaya naka-order agad ako.Nakaupo lang ako at nagiisip ng mga bagay bagay habang hinihintay yung inorder ko.
Buti na lang at napakiusapan ko yung mga teachers at Dean para payagang umabsent ng ilang days sila celine. Hay. Buhay nga naman oh.
Kaya nga sabi nila, live your own life, for you will die your own death.
Dumating na yung waiter dito sa jollibee at iniabot sa akin ang mga tinake-out kong order para kila celine.
______________
______________"Oh,kumain na kayo" inabot ko kay carl yung paper bag. "Kamusta na si celine?" Sabi ko at tumingin sa natutulog kong pinsan. "Ok na naman sya reese pero di talaga sya tumigil sa pagiyak pero buti nga at nakatulog na"sabi nya.
"Ano bang nangyare?" Di ko alam kung bakit ko nasabi yon pero di ko kasi alam talaga kung paano napunta sa ganitong sitwasyon. Ipinaliwanag nya sa akin ang nangyare na bigla na lang daw nahimatay si tito kaya dinala agad nila sa ospital at dun na nila nalaman ang sakit ni tito chester. Matagal na palang may sakit si tito pero di lang nya sinasabi kila carl.
"Dalhin mo na si celine sa kotse. Dalhin mo sya sa tinitirahan ko dahil di mo naman yan maaalagaan ng magisa ka lang. Atsaka susunod na lang ako sa inyo dadaanan ko muna yung shop ni mama." Sabi ko at tumango lang sya.

BINABASA MO ANG
My Stealer
Novela JuvenilNagnakaw Nag-kaaway Nagkaibigan At Nagkaroon ng ka-ibigan. Pero...nagkaroon ba sila ng happy ending? Curious kayo kung paano toh nangyari noh? just read it then you'll find out