Dalawa
"Diba ikaw yung....yung..."pamilyar sya eh wait... " Diba ikaw yung nagnaka---mmmmmmm" takpan ba naman yung bibig ko siguro di alam nung mga classmates nya.
"Please miss tumahimik ka na lang" sabi nyang ganon. Tch. "At bakit? Siguro takot kang makulong noh? Ikaw ha?"
Sagot ko sa kanya. Iniinis ako eh. "Miss ikukwento ko sayo mamaya okay wag mo lang banggitin." Mahinahong sabi nya pero may tensyon parin naman. Ano close kami oara sabihin nya sa akin?
"Aba aba! Di ako tanga noh!" Huminga na lang sya ng malalim.
"Please..."
jusko naman grabe toh. "Sige na nga di ko na naman problema toh eh pero masama pa din yun."
"Ganto kasi yun. Yung mga kaibigan ko ni-dare ako kaya ayun, its a dare that's why i did it" Ganon ba yun? Basta hindi!
"Hey ikaw lalaking mukhang shokoy. Di ako tanga para maniwala dyan sa gawa gawa mong storya. Shokoy na toh" Sagot kong ganon at hinarap sya pero nung hinarap ko sya nanlilisik na ang mga mata nya...
"Hoy ikaw na babae ka na mukhang kuto! Wala kang karapatan na sabihan ang mukhang toh na shokoy! Di mo ba alam na mraminhmg nagkakandarapang babae maging boyfriend lang bila ako, tapos ikaw sasabihan mo lang ako ng ganun? Akala mo kung sinong maganda!"
Sabi nya sabay irap ng mata at walk out.
Bakla ata toh eh?
"Badaf." Sabi kung ganon pero pabulong lang naman.
Nakadating na ako sa klase ko maaga pa naman nung mag-usap kami nung shokoy na yun at ngayon ay 8:27 na kaya may 3 minutes pa.
Ayy ayan na yung teacher namin.
"Good morning everyone. I am Maria Malaya you can call me Ms. Malaya" ganda naman ng pangalan ni Miss."Good morning Ms. Malaya" bati naman namin.
"So everyone, sabi ng ating dean since it is your first day......wala muna tayong klase you all can do what you want, but you should be quiet."
Yes! Walang klase! Puro hiyawan lang ang narinig ko at umalis na din ang teacher namin ang sabi nya iiwan nya na muna kami.
Nagugutom ako, gatas lang kasi ang ininom ko kanina, kaya pupunta na ako ngayon sa cafeteria.
Wahhhhhh. Ang laki naman pala ng Cafeteria dito tapos pipindutin mo lang ying parang bell dito may pupunta na agad sayong waiter at wag kayo!
May Mcdo, Starbucks, Mang inasal at jollibee oh diba!
Pinindot ko na ang bell para mag-order.
Mago-order na sana ako kaso may dumating na mga grupo na babae na nakakulorete pa. Jusko po! Red na red ang lipstick!"Hey, pede umupo dito at lumipat ka na lang?" Aba ang dami-daming upuan dito eh! Tapos dito uupo? pero maayos naman pagkatanong nya.
"Ang dami pa namang upuan ah?" "Aba sumasagot ka pa miss? Pwede bang lumipat ka na lang? Mabait naman ako eh kaso di mo ba ako kilala? " Whew.
Okay?"Kailangan pa ba kitang makilala?"syempre naman dipa umaariba na naman ang kamalditahan ko. Pero dun ko na lang napandin na ang dami na palang nakatingin.
"Aish. Ako lang naman ang girlfriend ng pinakamayaman na lalaki dito sa school."
"Wala na PO akong pakialam kung girlfriend kayo ng isang mayaman na nilalang dito. Pero sige hahayaan ko muna tong pagkakataon na toh." Pagkasabi ko non ay umalis na ako at humanap ng ibang upuan.
Unang araw ko dito mapapaaway pa ako sayang lang ng oras ko.
"Ahhh....miss? Pwede po ba makiupo?" Tanong ko kasi may bakanteng upuan sa tabi nya "Huh? Ahh.. oo naman. Dito oh"
Anyaya nya"Salamat po" sabi ko at umupo na.
"Hello.. ako pala si alex ." Pag papakilala nung babae na tinanong ko kanina "Ako naman po si Reese." Sabi ko, "Actually we are classmates, i find you a little quiet nga eh."
"Jusko mukha lang akong quiet. Wala naman kasi akong makakausap eh" sabi ko sa kanya at parehas naman kaming natawa.
_______________
_______________
[Time check: 3:40✔]Naglalakad ako ngayon pauwi nang may narinig akong nagsasalita pero alam mo yung boses na nananakot, yun. Luh ano kaya yun. Sandali dahil hindi naman ako chismosa titignan ko na.
Hala! Dapat tulungan ko si lola.
"Hey, let go of her"
Sabi ko ng walang emosyon syempre pa-cool tayo"At ikaw namang bata ka? Wala kang pakielam! Aba at sumasagot ka pa"
*BOOGSH*
*BOOGSH*
"Ahh lola halika na po tulungan ko na po kayo, saan po ba kayo nakatira?"sabi ko at inalalayan na si lola
"Salamat hija ha? Talaga bang ihahatid mo ako?" "Ahh opo naman" sabi ko at naglakad na kami ni lola.
"Dito na ako hija" Ang ganda naman ng bahay---- mansyon na pala ata dapat? Ang laki eh tapos ang ganda pa. "Ang yaman nyo naman po pala lola eh" sabi ko kay lola
"Nako hija sa amo ko lang ito" "Ahh ganon po ba? Ahh sige po hatid ko na po kayo papasok" tumango na lang si lola sa sinabi ko kaya pumasok na kami
"Yaya miranda! Saan ka po ba nang-galing nag-alala kami sa inyo----wait ah yaya miranda sino po itong magandang dalagita na kasama nyo?" Nginitian ko lang si manong.
" Ahhh, sir may nagtangka po kasi sa aking magnakaw pero buti na lang po ay dumating etong si hija... ay sandali ano palang pangalan mo?" Sabi ni lola na ngingiti ngiti pa -,- -,-. Creepy
"Reese po,sige po lola aalis na po ako" sabi ko at akmang magpapaalam na ng sabihin ni lola na"Reese hija dito ka na lang kumain."
"Ayy hindi na po salamat na lang po, may gagawin pa po kasi ako eh" "Ah sigurado ka ba hija? Pero sige ikaw bahala" sabi ni manong at tumango na lang ako.
Lumabas na ako ng baha---- este mansion nila. Laki ba naman nito! Nako ang laki ng subdivision nila.
Maliligaw pa ata ako, pero buti na lang at magalibg ako mag-kabisado ng bagay bagay eh nakalabas naman ako ng safe sa subdivision na to.
5:18 na pala. Buti na lang at pinatigil na ako ni mama sa pagtatrabaho kasi di ko din naman pala kaya kasi ang daming gagawin.
Pumara na ako ng jeep para makauwi na agad kapagod kaya maglakad sa isang malaking subdivision.
[Time check: 6:07✔]
Nandito na ako sa apartment ko. Nagluto na din ako ng Pansit Canton para lang naman sa akin kaya okay nadin to.
Chineck ko muna ang mga books ko para makapag-aral.
Natapos din.
Nandito ako ngayon sa kama at iniisip kung sino kaya ang boyfriend nung bubuyog na yun.
Makatulog na nga lang
ANNYEONG FELLOW WATTPADERS ^___________^
THANK YOU FOR READING!Eto lang po ang update ko ngayon.
Sorry po kung natagalan ako bago iupdate toh pero thank you pa din po ^_^
![](https://img.wattpad.com/cover/148860436-288-k700952.jpg)
BINABASA MO ANG
My Stealer
Fiksi RemajaNagnakaw Nag-kaaway Nagkaibigan At Nagkaroon ng ka-ibigan. Pero...nagkaroon ba sila ng happy ending? Curious kayo kung paano toh nangyari noh? just read it then you'll find out