Di Lang Ikaw (A Break Up Story)

699 12 13
                                    

A/N: BEWARE. Isa itong madrama istorya kaya wag basahin kapag hindi kayo mahilig sa masasakit na istorya. Pero pag feel niyo! Gora read niyo na!

Based on a true story ang ibang dialogues, but yung iba is dinagdag ko lang kasi hindi ko alam yung buong istorya nila. :) 

Sana makapag comment kayo kung ano masasabi niyo sa ginawa nung girl. As advice lang sana. Pretty please with cherries on top? *3* Thankyou. :))

PLAY the music sa gilid pala para mas feel. :))

________________________________________________________________________________

'Di lang ikaw ang nahihirapan... bulong ng isip wag kang pakawalan ngunit puso ko, ay kailangan kang iwan.

Alam kong alam niyo ang kantang ito. Gaya ko, iisipin niyo napaka pathetic din ng message ng kanta na 'to.

Yung ikaw yung mang iiwan.

Yung ikaw yung kailangan mang iwan para di na siya masaktan. 

Yung ikaw yung dapat kumawala.

Yung ikaw yun sasakit sa kanya para lang pakawalan ka.

Kasi gano mo man kahirap isipin, at gano man kahirap tanggapin...

Hindi lahat ng pag-ibig nagtatagal. 

Masama na ako kung masamaang tao. Mag 4 years na kaming mag kasintahan ng boyfriend kong si Eric. Nung naging boyfriend ko siya nung 2nd year high school kami, sobrang saya ko nun. First boyfriend ko siya, at first din niya ako. Natatandaan ko pa noon na sobrang effort siya sa pagpapansin sakin kasi top ako ng klase, at madalas na iintimidate yung mga kaklase ko sakin. Pero iba siya... he made me feel na hindi ako iba sa ibang babae. Na karapat dapat din akong mahalin. 

I remember din nung first valentine's date namin na hindi talaga siya pumasok sa class namin kasi  maghahanda pa daw siya para sa date namin. Ang ending eh bumagyo, meron pa naman pa candle candle chuva yung drama niya kaya ang ending... kumain na lang kami ng fishball at kwek kwek sa kanto.

Sa apat na taon naming pagsasama ni Eric, minahal ko siya. Past tense. 

Minahal ko siya.

Pero ngayon? Hindi ko na alam. Naguguluhan nako. Dont get me wrong. Walang third party na involved. Kung meron man nagbago, siguro ito yung nag college na kami.

Short Stories and Love EssaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon