Part 2 : Flashback

6 1 0
                                    


Alexa POV 


Back when i was first year high school (grade 7).

Nutrition month ngayon kaya merong mga events na magaganap kasali na yung mga representative sa mga year level. Meron ding acappella, hindi naman sa nagmamayabang pero marunong din akong kumanta. Sumali lang ako kasi pang dagdag puntos sa grades ko. Masaya din ako kasi napasali ako. 


Konting practice pagkatapos ng audition tapos bumalik na kami sa room namin. 


"Grabe ang gwapo ng escort ni Kris parang si Zayn Malik ng 1D" sabi ng kaklase ko si Aisa. 


"Oo nga, grabeeeee" sabi naman ni Pia. 


Nakinig lang ako sa usapan nila tapos tumabi ang bestfriend kong si Alliza. 


"Nakita mo ba ang escort ni Kris sa nutrition month?" tanong niya. 


"Hindi eh" sabi ko nalang. 


"Ang gwapo niya bes!" aniya.


"Ts." sabi ko nalang. 


Ilang oras ay pinatawag ang mga representative ng year level, syempre makikita ko yung sinabi na nila na parang Zayn Malik daw. 


"Omyyyghaaadddd" sabi ng kaklase kong bakla. 


Siniko ako ni Alliza. 


"Siya" sabi niya.


"Anong sya?" tanong ko. 


"Siya yung sinabi ko sayong escort ni Kris" sabi niya. 


Tinignan ko yung lalaki na sinasabi nila. Gwapo naman, maputi, medyo mataba-taba pero sakto lang tapos ang tangos pa ng ilong. 


"Muslim ba yan?" tanong ko kay Alliza.


"Ewan ko bes pero parang, kasi parang may lahing Pakistani yata." sabi niya. 


"Sigurado ako ang daming kabit niyan" sabi ko. 


"Hinde naman siguro bes" 


"Diba yan naman ang sinasabi nila?" sabi ko. 


"Hindi naman sguradong muslim siya pero ewan" sabi naman niya. 


Binabaliwala ko nalang iyon hindi naman ako yayaman kapag iniisip ko yun. 


Every day nakikita ko sya kasama yung mga barkada niya. Tuwing lumalabas siya o kundi bumili ng pagkain sa canteen di maiwasang may tumitili o di kaya'y kinikilig. 


Ewan ko lang kung bakit basta ako wala akong pake sa kanya. 


"Omyyyyyyyyyyyy" 


"Ang gwapooo talagaa ni Markkkk" 


"Sinabi mo pa!" 


Yan ang palaging sinasabi ng mga babae kapag siyay lumalabas. Hay nako hindi naman nila yan maangkin. Sus pasikat! 


Araw-araw mas dumami ang fans niya, araw-araw din ako naiinis kasi ang sakit sa tenga ng mga tili nila.


Hanggang sa umabot ang contest, syempre todo support kami kasi kaklase namin si Kris. May pa banner'2 din kaming ginawa. Grabe ang ingay ng tao lalo na pagkalabas ni Mark sa stage. 


"Woooooooooooaaahhhhhh go markkkkkkk"


"I LOVE YOU MARKKK" 


"GO MARK GO MARK"


Ang ingay!ts. Wala naman din akong magagawa kasi nga may event. Grabe ang supporters ni manong turko. 


Natawa lang ako kasi pagdating sa talent portion ay sumayaw siya ng tatlong bebe. 


"Grabe ang cute niya" sabi ng kaklase ko. 


"Para siyang ewan HAHAHA" sabi ko. 


"Wag ka nga bes! Kung alam ko lang may crush ka din kay Mark" sabi ni Trisha. 


"Wala no! Iba yung taste ko , gusto ko nang moreno tapos yung mas may edad pa sakin" sabi ko. 


"Ano? type mo ang lolo ko?" sabi ni Alliza. 


"Tanga! what i mean is yung mga 3 or 4 years older sa akin" sabi ko. 


Mga gago talaga itong bestfriend ko, walang common sense ts. HAAHAHAHHA Pero love na love ko yan. 


  -If you have crazy friends you have everything you'll ever need.-  

DISTANCE IS JUST A LITTLE IMAGINATIONWhere stories live. Discover now