Part 6

5 1 0
                                    


Mark POV 

Ilang araw na din simula nung inilibing si Mama.Medyo hindi ako sanay sa nangyayari kasi tuwing umuuwi ako merong ina na naghihintay sa kaniyang anak, merong ina na pinagsisilbihan ang kaniyang anak, at kung ano pang ginagawa ng mga ina sa kanilang anak. 

Minsan nga tinutulungan niya ako sa mga gawain ko sa pag-aaral, sa mga projects, at iba't-ibang bagay. 

Simula nung lumala ang sakit ni Mama ay palagi ko na siyang binabantayan, kadalasan nga ay hindi na kami naka pag bonding ni Alexa pero hindi naman siya kagaya ng ibang babae na magagalit o kundi mawawalan ng gana sa relasyon dahil lang sa wala ng bonding ang isa't-sa. 

Palagi lang siyang umiintindi sa sitwasyon ko noon lalo na ngayon, hindi siya tumitigil sa pag-iintindi sakin, kaya nga mahal na mahal ko yun. 

Minsan pa nga siya yung bumabantay kay Mama kapag walang kasama si Mama, siya yung nagbabantay kasi nasa korea ako noon.

Papunta na ako ngayon sa school, syempre magkasama kami ni Alexa nyan. Alam niyo naman yun grabe ka strikta kapag pagdating sa mga activities or kung ano pa ang may kinalaman sa pag-aaral. 

"Bukas na ang gate tara pasok na tayo" sabi niya. 

"Hmm.. tara!" sabi ko naman. 

Hindi kasi kami magkatabi ng upuan hindi kagaya nang nasa second year high school pa kami. Nasa unahan siya tapos ako naman ay nasa likuran, nakakatawa lang kasi nung last year ay ako ang nasa unahan tapos siya naman ang nasa likuran. 

Kapag recess time syempre hindi mawawala sa amin ang pancit canton, dati kasi ako ang bumibili ng canton tapos siya naman sa kanin at mga softdrinks, minsan naman ay tubig lang kapag hindi kaya sa budget. 

Masaya ako kapag kasama ko siya minsan nga kinukurot ko yung ilong niya, hindi naman sobrang matangos hindi naman sobrang flat yung sakto lang, HAHAHAHA. 

Tapos yung malapad niyang noo, nabagay naman sa kaniyang mukha. Kahit ganun yun mahal na mahal ko yun. 



Ang cute niyang tingnan kapag inaasar ko siya kagaya kanina.... 

"Ma! pinatawag ka ni  Ate maria sa akin, tungkol daw sa online business"

Negosyante din siya, AHAHAHA

"Weee? Wala akong nalaman na may order ako sa kaniya" sabi niya. 

Si Ate maria kasi yung supplier niya sa mga orders niya. 

"Meron nga" seryosong pagkasabi ko. (pero syempre acting lang yun HAHAHA).

"Kapag wala? Lintek ka talaga sa akin" pagbabanta niya. 

"Mmm, sige puntahan mo na" sabi ko.

Tatakbo nalang ako kapag nalaman niyang prank lang yun HAHAHA 

Ganti ka nalang sa susunod Ma, HAHAHAHA 

(Ma at Pa ang tawagan namin HAHAHAHA) 

Lumabas na sya syempre tumago na ako, patay ako nun ang sakit pa naman ng mga kurot niya sa akin. 

"Mark!!!" sigaw niya. 

"Patay" bulong ko. 

HAHAHAHA,syempre hindi yun makakahabol ang taba-taba na nun, pero joke lang malaki lang talaga yung sa kaniya sa itaas, AHAHAHA mabigat daw sabi niya. HAHAHAHAHA

Hindi naman siya mataba na as in mataba, cute lang HAHAHA. 

Syempre maganda! 

Ang epal lang ni ma'am kasi pinalinis na niya kami sa room, ang akala ko ay hindi na babawi si Alexa sa kin pero nagkamali ako, mas kinurot niya ako sa sobrang sakit hindi ko namalayan na nilakasan ko ang pwersa ng pag-ikot sa kaniyang kamay, para siyang nabalian. Pero ang sabi naman niya ay hindi naman masyadong masakit. 

Kinabahan ako dun! 

Pagkatapos nun ay pinauwi na kami kasi tapos na ang klase. Kasabay namin si Ate maria kasi may pupuntahan daw kami mamaya. 

Alexa POV 

Palagi ako nasa computer shop kasi hindi ako sanay sa cellphone lang, so 8:33 pm na at wala pa siya ang sabi ni ate maria ay inutusan daw sila ni Lola, ewan ko lang kung yung utos nila. Alam ko naman na walang masasamang mangyayari sa kanila lalo na't kasama niya si Ate maria. 

Nag-youtube nalang ako nakikinig ng music, nanonood ng mga blogs at kung ano-ano pa. 



A/N: Sorry po kung hindi masyadong mahaba, pagpasensyahan niyo na. Oh Jannah Marie!! tapos na ha medyo mahaba-haba na sya HAHAHAHHA, magpaload ka na!. 

Thankyousomuch and God bless <3 

DISTANCE IS JUST A LITTLE IMAGINATIONWhere stories live. Discover now