Part 5

9 1 0
                                    


Alexa POV 


Nakakatawa lang na ang sarap palang balikan yung nakaraan. Yung mga araw na ang saya-saya niyo pa na walang problemang pinobroblema, kung meron man hindi naman grabe.

 Yung palagi kaming may oras sa isa't isa, araw-araw gabi-gabi magkasama or kundi magkausap.  


Mag-iisang taon palang kami ni Mark pero hindi na kagaya ng dati na walang problema kasi ngayon ang dami na nahihiya na nga ako sa kapamilya niya kasi parang ako ang dahilan kung bakit ayaw niyang lumuwas ng Korea.

Totoo ayaw ko naman pero na realize ko na ang daming opportunidad niya doon, gaganda ang buhay niya dun sinabihan ko din siya na okay lang sa akin na pumunta siya doon. 

'Love is when the other person's happiness is more important than your own' 

Handa akong magparaya, mas importante siya sa akin kaysa sa sarili ko. You can't call it puppy love because love has no limits. Kasi hindi lahat ng kabataan ngayon ay hindi na sila mature mag-isip kadalasan din sa amin ay marunong mag-isip at alam ang tama at mali. Sabi nila iba na ang mga kabataan ngayon kasi puro gala na lang at kung ano pa yan.

Wag po tayong mang husga agad kasi hindi natin alam ang mga storya ng buhay nila. So ayun na nga maiba naman ang usapan.



Araw ngayon ng libing ni Tita syempre nandun ako kasi alam ko na iiyak si Mark kasi wala na ang ina niya. Kahit ako gusto kong umiyak ng makita ko yung kabaong niya na papasok palang sa simbahan. 

"Tita gabayan niyo po si Mark, sana kung may problema ang dadating sana makaya namin' yan ang sinasabi ko araw-araw kapag natutulog kapag nagsi-simba. Hindi mawala sa isip ko si Tita kasi para ko na syang ina. Hindi ko akalain na yun na pala ang huling pagkikita namin. 

Kapag meron kaming projects or homeworks tinutulungan niya kami, kapag nag-away kami ni Mark sinasabihan niya ako na 'Alexa kababata lang niya yun wag mong bigyang malisya' 

Syempre hindi lang ang sinasabi niya pero din mga payo na sa kabubuti namin, na huwag munang gawin ang hindi tama dapat daw unahin ang pag-aaral kahit ako gusto kong makapagtapos muna ng pag-aaral kasi may oras naman na para sa ganyan. 

Nandito kami ngayon sa sementeryo kasi ililibing na si Tita. Alam ko na sa loob-loob ni Mark ay nasasaktan sya, kahit ako ang nasa posisyon niya masasaktan talaga ako. 

"Alex umiiyak na siya" sabi ng lalaking kaibigan niya. 

"Sino? Si Mark?" tanong ko. 

"Oo" tipid na sagot niya. 

Hindi ko kasi makita kasi sa sobrang liit ng height ko hindi ko alam kung anong nangyari. So lumapit na ako nakita ko si Mark na pulang pula ang mukha pupuntahan ko sana sya pero may mga kamag-anak siyang umaagakay sa kaniya. 

Mamaya na siguro bigyan ko naman siya ng oras para sa nanay niya. Mamaya ko na din siya uusapin tapos papatawanin para hindi siya maka-feel na mag-isa lang siya. 

Pagkatapos ng ilang minuto ay pinuntahan ko naman agad siya. Umupo ako sa tabi niya.

"Okay ka lang?" tanong ko sa kaniya. 

"Okay naman" ngiting sagot niya. 

Alam ko na hindi siya okay pero nagpapanggap lang siyang okay, kasi ayaw niyang nakikita sa mga tao ang kahinaan niya. 

"Oh kain ka muna" sabi ko sa kaniya sabay abot ng isang burger tapos coke. 

"Tapos na ako sayo nalang yan" sabi naman niya. 

"Ah ganun ba, sige kainin ko nalang" sabi ko. 

Pinisil niya ang ilong ko. Ang hilig talaga niyang pisilin ang ilong ko alam ko naman na hindi ito tatangos, hmp! 

Pagkatapos nun ay sumakay na kami sa pajero para pumunta muna sa lugar nila, may salo-salo kasi kaya hindi pa ako uuwi gusto ko pa muna makasama si Mark. 

Mga ilang oras din at nag-chikahan din kami ni Ate Maria tapos nun ay umuwi na kami. 
Hindi naman ako nagtagal kasi pupuntahan ko pa si Ate mamaya. 


  "There is only one happiness in this life, to love and be loved."


A/N: Sorry po kung bitin na bitin, nagagalit na yung bestfriend ko na si Jannah kasi bakit daw bitin . Pagpasensyahan niyo na hindi po ako pro sa ganito, bago palang ako. 

#18 na pala tayo sa #thewattys2018 salamat po sa mga readers sana po dumami at dumami. 

Thankyou mwa <3 

DISTANCE IS JUST A LITTLE IMAGINATIONWhere stories live. Discover now