Part 11 (Anniversary)

5 1 0
                                    


Mark POV 


Hindi alam ni Alexa na bibili ako ng paborito niyang dunkin donut, syempre surprise HAAHAHA. 

"Thank you Pa!" sabi niya habang nakayakap sa'kin. 

"No problem Ma" sabi ko. 

Hindi siya katulad ng ibang babae na may gusto sa magarbong sorpresa o selebrasyon basta't kasama lang daw niya ako, okay na daw yun.  

"Alexa, may ibibigay pa ako sa'yo" sabi ko. 

"Ha? Ano naman yun?" tanong niya. 

"Naalala mo ba na may sinabi ako sa'yo na may ipabibigay si Mama nung araw na buhay pa siya?" sabi ko at tumango nalang siya. 

Kinuha ko ang regalo ni mama sa kanya, ang sabi kasi ni Mama na ibibigay ko daw ito sa taong nagpapasaya sa akin at magpapasaya sa akin habang buhay at alam ko na si Alexa yun. 

"Here" abot ko sakanya. 


Binuksan niya ang box na may laman necklace, kitang-kita sa mata niya na naiiyak siya pero pinipigilan lang niyang hindi maiyak tapos tumingin siya sa langit at may sinabi hindi ko na iyon narinig kasi pabulong lang itong pagkasabi niya.

"Wag ka ng umiyak" pang-aasar ko sakanya.

"Laah! Hindi kaya" depensa nito. 

"Hmm hindi? Eh ano yan?" sabi ko sabay turo sa mata niya. 

"Wala nga sabi!" sabi nito. 

"Sabi mo eh" sabi ko nalang. 

Pumasok nalang kami sa klase namin. Hindi kami magkatabi nasa harapan siya at nasa likod naman ako. 

Sinabihan din niya ako na pinapasama daw ako ng ate niya kasi lalabas daw sila, hindi ako sumama kasi may kailangan kaming puntahan ni Lola ngayon. Okay lang naman daw sa kanya pero kinukulit pa rin niya akong sumama pero in the end napasuko ko din siya.  

Tapos na ang klase kaya kailangan na naming umuwi, hindi kami magkasabay ni Alexa ngayon kaya ako nalang mag-isang umuwi. 

Ilang oras pa at nakauwi na daw siya, ako nandito pa ako sa pinuntahan namin ni Lola patapos na din naman daw 'to kaya uuwi na din kami pagkatapos.

Tinext ko sya na uuwi na kami. Ilang minuto at nakauwi na din kami sa bahay. 

Kamalas-malas naman at nilagnat pa si Alexa mismong kaarawan niya kaya hindi na kami nag-uusap ng matagal sa chat kasi pinatulog ko na sya. 

----- 

This is it! Pansit! 

July 05,2018 

Isang taong pinagsamahan, may iyakan, tawanan, problema at pagmamahalan. 

Sa isang taon na pagsasamahan ay naranasan ko ang magtiwala. Dahil sa kanya nagbago na ako, wala ng bisyo at kung ano pang hindi magandang gawin. 

So ayun na nga sosorpresahin ko siya, ang babaeng pinakamamahal ko. 


Bumili ako ng isang bouquet of roses, syempre hindi niya alam na may plano ako. Ang alam niya lang ay simple lang ang araw ngayon. 

Dapat kasi may acting effect pa yan, normal lang ang pinapakita ko sakanya hindi ko dinala ang bulaklak. Si ate Maria ang may dala nun tatawagan ko nalang sya kapag kailangan ko na. 

Malapit na ang recess break kaya bago pa magbreak ay tinawagan ko na si ate Maria. 

"Pumunta ka na dito" sabi ko. 

"Okay, on my way na ako" sagot naman nito at binaba ko na. 

"Okay class dismiss, you may take your snacks now" anunsyo ng science teacher namin.

Wait lang medyo kinakabahan na ako. HAHHAHAHA 

Ito na talaga this is it, inhale... exhale.. 

Kinuha ko na ang bulaklak na ibibigay ko kay Alexa.

Todo tili naman ang mga kaklase ko .


"AYIEEEEEEE"


"OMYGOSHHHHH"

Sa sobrang ingay ng tili ng kaklase namin ay napatingin si Alexa sa likuran, at sa punto iyon ay nakatingin na sya sakin. 

Sinimulan ko ng maglakad patungo sa kanya, parang may slow-mo ang nagaganap, ewan ko lang pero nafe-feel ko kasi yon eh. 

"Happy 1st Anniversary Ma" sabi ko sakanya sabay abot sa bulaklak. 

"YIEEEEEEEEEE" tili ng kaklase namin. 

Kitang-kita sa mukha ni Alexa ang pagkagulat at kilig, hahahaha natatawa ako sa mukha niya. 

"Oh? wala ka man lang sasabihin saki---" hindi ko na tinapos ang pagsasalita ko ng bigla niya lang akong niyakap. 

"Thank you Pa, Happy anniversary" bulong niya sa kin. 



DISTANCE IS JUST A LITTLE IMAGINATIONWhere stories live. Discover now