Ang hirap pala no.
Ang daming nasasayang na opportunity dahil sa word na "hiya" yung tipong nandyan na si crush katabi mo ayaw mo pa kausapin kasi nahihiya ka. O kaya naman mahal mo na siya kaso nahihiya ka lang sabihin sa kaniya.
Its like do or die.
Hindi naman masamang mahiya minsan but may mga bagay tayo na minsan kailangan kapalan natin mukha natin.
Pero bakit ganun di ko magawa?
Mahal ko si Zack.
Kapitbahay ko siya.
Pero in my entire 3 years na kapitbahay ko siya.
No conversation.
No eye contact kaming dalawa.
Were schoolmates.
Ewan ko lang kung napapansin niya ako.
Im just nobody.laging nasa sulok.
Walang kaayos ayos na babae.
Di kasing ganda ni Nancy o Liza soberano.
At di naman kasing sexy ni marian o nadine lustre.
Yung tipong babaeng hindi kalingon lingon.
Paano niya kaya ako mapapansin nun.
Wala na ngang ganda e.
Mahiyain pa.
Takot kasi akong dedmahin niya e.
At wala akong lakas loob na makipagkaibigan sa kaniya siguro kasi sobrang sikat niya sa school na pinapasukan ko.Sino ba naman ako e? Ang taba taba ko hindi naman as in sobrang taba basta tamang taba lang HAHAHA ay ewan ang gulo ko. So yun na nga may talino naman ako, maganda naman daw ako sabi ng pinsan kong si Ally sadyang di lang daw ako pala ayos. Di kasi ako mahilig sa magirly na damit laging tshirt,pantalon at converse na sapatos ang suot ko. At di rin ako nag mamake up ayoko nun makati sa mukha.
So ayun na nga si zack na magaling sa math.
Lahat na siguro na sa kaniya na matalino, mabait,gwapo,talented as in full package na talaga. At feeling ko hanap niya din ay yung hanap ng ibang lalaki na babaeng maganda,sexy,matalino,mabait gaya niya yung mapapasaya siya as in totally opposite sa tulad ko.Bakit kasi ang boring boring kong tao? Kainis
But darating kaya sa point na mag eencounter kaming dalawa?
May possibility bang mapansin niya ko?
Mahalin niya kaya ako?
Take note kay zack lang ako may pagkamahiyain kumbaga para maamong aso.
Pero sa iba para akong Leon.
HAHAHA ewan ko ba.AN: hahha maganda ba? Kung hindi sorry hindi kasi ako maganda gumawa ng introduction. Pero sana magustuhan niyo. This is my first story kaya sana maintindihan niyo. And sana hindi kayo maboring and enjoy guys.