Kabanata I

66 22 1
                                    

Kabanata I

-Pananaw ni Briar Alcantara-

“Good morning!” bati sa akin ng isa kong ka-opisina, si Judy kaibigan ko din simula ng pumasok ako sa kumpanya na ito.

“Oh kamusta ang pagbabasa?” tanong ko ng makaupo siya.

“Ok lang naman hinahanap ko nga yung gumawa ng librong to pero ng malaman kong babae siya ayun sumuko na din ako.” sagot niya.

“Sino ba naman kasi na parehas kayo ng magiging love story ng mga magulang mo at ginagaya mo sila?” nilabas niya ang limang librong nakatago sa cabinet niya at pinakita sa akin ang isang librong pinamagatang ‘Ang Sadista kong Girlpren’.

“Oh anong gagawin ko diyan?” tinignan ko lang ang librong hawak niya.

“You should try to read that, maganda ang istorya niyan  I assure you lalaki ang gumawa niyan, nabili ko yan sa isang bookstore.”

“Ay naku wag mo nga ako ginagaya sa kalokohan mo sa paghahanap ng love life sa isang libro.”

“Alam mo besh hindi naman masama na hanapin ko din ang lovelife ko sa pamamagitan ng libro ah, bawal bang gayahin ang magulang ko? alam mo naalala ko tuloy love story ng magulang ko…”

“Hep!” tinaas ko ang kanang palad ko para matigil siya sa pag reminisce ng walang kasawaang love story ng magulang niya.

“Bakit?”

“Ayaw kong marinig kwento mo.” bumalik na ako sa desk ko at gagawin ko muna ang assignment ng anak ng boss ko. Tamad kasi gumawa ang tanda na hindi pa kayang gawin ang assignment tss! nakakagigil gggrrrr!.

“Hala beshy naman eh!”

“Kausapin mo ang sarili mo o kaya kausapin mo yang si Alex sa kanya mo ikwento ang lovestory ng magulang mo.” sabi ko sa kanya ng walang tingin tingin.

“Ay oo nga ikaw na lang Alex!”

“Judy busy din ako.” walang emosyon na sabi ni Alex.

“Sige na Alex baka mamaya pag kinwento ko sayo yung lovestory ng magulang ko baka mamaya ma-inspired ka na din magbasa ng libro.

“Oh sige na magkwento ka na kahit may ginagawa ako.”

“Oh sige uumpisahan ko na… Once a upon a time in a far far away land…” natigil siya sa pagkwento kaya napalingon ako sa kanilang dalawa, nakita kong nakatingin lang si Alex kay Judy at nagsalita.

“Judy there’s no such thing as Once a upon a time in a far far away land ok? Pwede mong umpisahan agad sa yung mama mo nabunggo yung papa mo na gangster na mukang albularyo at may bandana sa ulo pwedeng ganun pero wag na wag mong sasabihin na once upon a time ok? that is for fairytale only and it doesn’t exists ok?”

“Ok fine.” napatawa ako ng bahagya sa sinabi ni Alex, tama siya walang once upon a time at walang happily every after, minsan lang yan magsalita, yan ang pinakamahabang linya niyang nasabi.

“Diba Ria?” lumingon siya sa akin, Ria kasi tawag sa akin dito sa opisina.

“Oo tama si Alex, Judy sa tingin mo ganun lang naging buhay ng mama at papa mo? ahhmmmm? hindi naman sa nagiging negative ako ha? ahhmmm kasi diba lahat ng nagmamahal sinusubukan ni lord ang tatag ng bawat magkasintahan, did you even tried to ask your mom kung nagkaroon ba ng  third party ang mga magulang mo? Oo alam ko wala ako sa posisyon magsalita ng ganito since ako ay isang NBSB.”

Tumawa ng konte si Alex at nagsalita “May mali ka din sa sinabi mo Ria.”

“Ano naman yun?” singit ni Judy.

“Porke nabigo ang papa mo sa love life niya hindi ibig sabihin nun ay lahat ng tao ay dapat na maging ganun din.” tinignan niya ako ng parang may iba pa siyang gustong iparating sa mga sinabi niya, na parang gusto niya na basahin ko ang salitang nakapaloob sa mga sinabi niya. yung mga hidden words.

“Tuloy mo na nga lang kwento mo Judy.” bumalik na ako sa pag asikaso ng trabaho ko, ang napasukan kong trabaho ay isang real state company. Yung bibili ng bahay na gutay-gutay na tapos aayusin namin at ibebenta sa mas mataas na presyo. Oh ayan alam niyo na trabaho ko.

“Oh sige kekwento ko na.” sabi ni Judy at may hand gesture pa.

“Mag shortcut ka.” sabi ni Alex.

“Oh sige, ganto… Yung mama ko book worm yun tapos nabasa niya yung ginawang libro ng papa ko, ayun nainlove ang mama ko kaya ayun niligawan niya papa ko.”

Tumawa ng tumawa si Alex at nagsalita. “Mama mo talaga nangligaw sa papa mo ha?”

“Oo, yun sabi ng papa ko eh.”

***

“Ms B, pwede bang icheck mo itong property na to?” inabot sa akin ni Isaac yung bond paper na may 5 pages, meaning 5 properties ang titignan namen.

“Ok, kelan to kailangan?”

“Bukas, ang naka-assign na kasama mo si Alex.” seriously?! si Alex? 

“The Alex snabero?!” gulat kong tanong.

“Oo siya nga, yun bilin sakin eh.”

“Paano ang buhay ko neto mamaya kung siya ang kasama ko? mapapanisan ako ng laway at baka lamunin ako ng lupa kung siya ang kasama ko.”

Napatawa naman siya sa sinabi ko.

“Wag mo nga akong tawanan!”

--------------------------------

Kamusta po ang first chapter ng it started with...? leave a comment po kung nagustuhan po hihihi!

Nagmamahal,

CheneLeenCheneLeen

It Started with... (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon