Kabanata V

42 13 0
                                    

Kabanata V

 “Aish! hindi ko naman kasi sinasadya pare na ganoon ang magiging reaksyon niya eh!” kausap ni Alex kay Xavier kaibigan niya.

“Kasi naman pare ganoon yung dating sa kanya ng sinabi mo, nag-sorry ka na ba?” kausap nito pero hindi siya nakatingin kay Alex, may tinititigan itong isang babaeng agaw atensyon sa dance floor.

“Hindi pa.” sagot ni Alex.

“Alam mo pare mamaya na tayo mag-usap, may chicks akong nakita eh wait lang.” tumayo si Xavier at pinuntahan ang babaeng halos mag-wala na sa dance floor.

Pero hindi niya nilingon si Xavier at may babaeng lumapit sa kanya; si Judy.

“Hi Alex!” bati nito at may hawak na isang baso.

“Sinusundan mo ba ako?” nagtatakang tanong ni Alex.

“Nope, kung tutuusin kanina pa kami dito you know baka nga ikaw ang sumusunod sa akin---haba talaga ng hair ko hahaha! sabi na nga ba sinusundan mo ako eh.” pagmamayabang ni Judy.

“Kami?”

“Yeah! ayun yung kasama ko oh” tinuro ni Judy si Xavier at si Ria na lasing na lasing at nagsasayaw pa rin sa dance floor.

“F***!” at pinuntahan ni Alex si Xavier at Ria. Hinubad niya ang jacket at ipinatong ito sa mga balikat ni Ria.

“Xavier let’s go!” hawak hawak naman ni Alex si Ria.

“No! naguumpisa pa lang ang party!” pigil ni Judy. The F with this girl! ugggh! I’m so f***** hate her! he stole my Alex.

“Judy kung gusto mo mag-party mag-isa ka, anong klase kang kaibigan ha?!” panunumbat ni Alex at naglakad na silang tatlo papuntang parking lot.

***

“What am I doing here?” bungad ni Ria kay Alex ng magising ito.

“Ikaw ang dapat kong tanungin ano ang ginagawa mo sa bar kagabi with Judy?” seryosong nakatingin si Alex kay Ria.

“Why do you even care?” sarkastikong sabi ni Ria.

“Kasi --- Alam mo bang muntikan ka ng mapahamak kagabi? kung hindi si Xavier ang nakasayaw mo baka nabastos ka na kagabi or worse.” yumuko ito at humigpit ang hawak sa kamao niya.

“Pakialam mo nga? Hindi mo ako kargo de konsensya.” tumayo si Ria at lalabas na sana ng pinto.

‘Aish! ano ba namang babae to! Bakit ba ang komplikado niyong mga babae ha?’

“Sorry!” sigaw ni Alex sa papalabas na sanang si Ria. “Sorry sa mga nasabi ko sayo nung nakaraang araw, sorry sa mga ginawa ko. sorry.” isinara naman ni Ria ang pinto at pumunta sa banyo, pagkalabas niya bumungad naman agad si Alex sa pinto.

“Huuuy sorry na sabi eh!”

“Tae ! oo narinig ko! peste lumayas layas ka nga sa harapan ko nakihilamos lang ako noh.”

“Aysus!” kinarga ni Alex si Ria papuntang sofa at kiniliti ito.

“Alex!!!!!!! tama na! hahahahahahaha! suko na suko na!!!! hahahahaha!” tsaka naman tumigil sa pangingiliti si Alex.

“Masyado ka kasing madrama, konting salita pinalalaki mo hahaha!” naging seryoso naman agad ang muka ni Ria sa sinabi ni Alex.

“What?” nagrtatakang tanong ni Alex.

“Pwede ba mag-iingat ka sa mga binibitawan mong salita? minsan kasi akala mo biro eh pero iba dating nun sakin.” panenermon ni Ria.

“Tss okay fine whatever.”

“Just like what I’ve said ayaw ko na maging yaya mo, friends pwede pa.” nakangiting sabi ni Ria.

“Oo na, sorry ulit---pero pwede kang tumira dito” nakangiting sabi ni Alex.

“Tantanan mo nga ako ng mga ganyan mo Alex!” tumayo si Ria nagpaalam kay Alex at umuwi sa apartment niya.

Kinausap ng masinsinan ni Ria si Judy pero lumabas din ang totoo, na inakit niya si Bryan para siya ang piliin ng binata pero dahil sa wala na ring nararamdaman kay Bryan ay hinayaan na niya si Judy sa mga kahibangan niya na hindi ito naging totoong kaibigan sa kanya kaya mas pinili na lang ni Ria na maghanap ng ibang trabaho para magkalayo sila ni Judy. Sinabi pa nga ng dalaga na hindi daw siya minahal ni Bryan, who knows kung sino ba talaga ang nagsasabi ng totoo diba? ang tao kahit na nahuli na hindi pa rin yan aamin kahit may ebidensya gagawa at gagawa ng palusot.

-------------------------------

short update dabah? hahaha! anyways comment naman po kayo please! puro votes eh, I want comment hihihi!

Nagmamahal,

CheneLeen

It Started with... (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon