Kabanata VI

25 10 0
                                    

Kabanata VI

After 3 months

“Miss Alcantara may naghahanap sayo.” tawag ng isang ka-officemate ni Ria.

“Sino daw?”

“Boyfriend mo daw eh, ikaw ha ang gwapo ng boyfriend mo di mo naman sinabi kinakahiya mo ba siya?” usisa nito at tumabi pa kay Ria.

“Ha? eh wala naman akong boyfriend eh, single and ready to mingle hehehe!” sagot ni Ria.

“Single and ready to mingle pala ha? hindi mo na ba ako mahal?” narinig niya ang isang pamilyar na boses na matagal na niyang hindi narinig, kahit ganoon katagal ay naalala niya pa rin ang boses nito.

“Oh anong ginagawa mo dito?” tanong ni Ria at napatayo ito at nilapitan si Alex.

“Dumalaw lang, masama? hehehe” nagpa-cute naman ito akala naman niya madadaan niya sa pagpapacute si Ria, mwahaha!.

“Eh ba’t mo sinabing boyfriend kita?” iritableng sabi ni Ria.

“Ha? hindi ako nagsabi nun.” nagtatakang tanong ni Alex.

“Sus painosente pa ito.” 

“Hindi talaga ako yun Ria.” pagtanggi talaga ni Alex.

“Oo nalang Alex, ano nga ginagawa mo dito?” nag halukipkip pa si Ria, syempre para mukang mataray ang dating.

“Ahh dito na ako nag-ta-trabaho” nakangiti nitong sabi.

“Ha?! talaga?”

“Yup and you’re my slave again” Alex grinned.

“Pwede ba tantanan mo ako ng mga ganyan mo.”

“Hindi ako nagbibiro, it’s payback time.”

“My god Alex! ang tagal na nun hindi mo pa din nakakalimutan?” napatingin nalang si Ria sa paligid.

“Sa tingin mo makakalimutan ko kung lagi ko tong nakikita?” tinuro ni Alex yung scar sa forehead niya. Tsk paulit ulit ko namang sinasabi na hindi ko sinasadya eh! kausap ni Ria sa sarili.

“Hehehe joke lang yun kaw talaga di ka na mabiro sige balik na ako sa cubicle ko” pagpapaalam ni Alex at naglakad na ito papalayo.

“Wait Alex!” pigil ni Ria.

“Kamusta na pala si Judy?” napangiti ang binata  sa sinabi nito. Pusong mamon talaga ang babaing ito kahit niloko na ng kaibigan.

“Ok lang, ikakasal na sila ni Bryan” lumungkot naman ang itsura ni Ria.

It Started with... (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon