Kabanata VII

14 8 0
                                    

Kabanata VII

“Tss” ininom naman ni Ria ang inaalok na tubig ni Alex.

“Bakit wala pa ring nakakapansin na naistuck tayo dito sa elevator, hindi ba gumagana ang cctv dito sa loob? haaaaay” tanong ni Alex.

“Gumagana ang cctv dito ewan ko kay manong kung ano nangyari, 2am na wala pa ring nakakapansin, suppose to be dapat pumapasok na yung mga night shift.”

After 5 hours stuck pa din sila sa elevator kaya nag-desisyon na si Alex.

“Tara na nga akyatin na natin to.” sabi ni Alex at tumayo at sumenyas kay Ria na pumatong na sa likod niya.

Tumungtong naman si Ria at pilit na inaabot ang ceiling ng elevator. Pero nabigo siya kaya tumungtong na ulit siya, pero sa ikalawang pagkakataon nabigo na naman siya.

“Ano bang klaseng pag-akyat ginagawa mo?” tanong ni Alex. “Kung mala-amasona lang katawan mo ako na ang tutungtong.” dugtong pa nito.

“Oh sige ikaw na lang tumungtong tignan ko kung kaya ko.”

“Ayaw mahina ka eh, weak ka hahaha!” pangungutya ni Alex tinignan lang siya ng masama ni Ria.

“Lakasan mo balikat mo ha! tsaka kumapit ka sa pader” bilin ni Alex bago sumampa sa likod ni Ria. Sa totoo lang hindi alam ni Ria kung kaya niya si Alex pero tatagan niya loob niya. Aja!. Unti-Unting tumayo si Ria para maabot ni Alex ang ceiling ng elevator ng nakahawak ni siya at bibitawan na dapat siya ni Ria ay nahulog siya---sa ibabaw ni Ria. Ilang segundo silang nagkatinginan ng biglang bumukas ang elevator at bumungad sa kanila ang sangkaterbang tao.

Bigla namang namula si Ria at tinulak paalis sa ibabaw niya at nagsalita. “Letse hindi mo naman pala kayang abutin yung ceiling.” tsaka ito umalis.

“Grabe nakakahiya, dapat nakaligo ng gantong oras ang lagkit-lagkit ko na haist!” reklamo ni Ria habang nag-aabang ng taxi.

Naligo si Ria at nagbihis, kumaen at nahiga para naman makatulog siya ng maayos, 1 pa naman ang pasok niya kaya may oras pa siya para magpahinga.

*knock knock*

“Sino yan?” tanong ni Ria sa kumakatok sa apartment niya.

Pero walang sumagot pero kumatok ulit. Tumayo si Ria at inayos ang damit.

“Sino ba kasi yan!” sigaw niya pagbukas niya natigilan siya sa taong nakita niya.

“Anong kelangan mo?” mahinhin na tanong ni Ria pero sa totoo lang gusto niyang kalbuhin ang taong to at putulan ng ano pero hindi dahil sa bitter pa rin siya sa taong ito kundi para lang madala.

“Nagdala ako ng pizza” at itinaas nito ang box ng pizza na hawak niya.

It Started with... (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon