Never man sa buhay ko na maramdaman kong excited na excited. 1 week before magsimula ang 3rd year of highschool nag ayos na ako ng gamit, so basically I'm a sophomore. Boarding school ang aking papasukan at ang pangalan nito ay RosenFeld Academy, for short, RFA.
Ang pinaka ayaw kong gawin kahit kelan sa buhay ko is magpaalam sa aking mga magulang, lalo na ngayon wala pa si mommy dahil maaga siyang umalis kanina kasi may problema daw sa company namin. So naiwan ako kay daddy, na ngayon ay tatay na tatay, kanina ko pa hinahanda ang sarili ko kasi sigurado akong pagsasabihan niya nanaman ako na bawal ako mag boyfriend at bawal na bawal akong makipaghilikan at makipagflirt man lang, I know he's just looking after me and doing what's best for me pero syempre di naman naiiwasan yun, wink wink.
Umupo ako sa aking kama bago hinimas ang kumot na nakabalot sa aking kama, "Siguradong mamimiss ko itong kwarto ko lalo na ang buong bahay.." sabi ko sa'king sarili na may kasamang ngiti at hagikgik.
Napatingin ako sa pinto ng biglang may kumatok, "Yes dad?" Tanong ko, dahan-dahang binuksan ni dad yung pinto bago binuksan ang pinto at tumayo doon, "Ready ka na? Kailangan na natin umalis," huminto ito bago ako tinaasan ng kilay, "ilang weeks ka na nagiimpake pero hanggang nayon di ka parin tapos? May mall naman sila doon bat hindi ka nalang mag shopping?" Naramdaman kong sumaya lalo yung mood ko sa sinabi ni dad.
May mall sila doon? Seryoso?
Tinaasan ko pabalik si dad ng kilay na ikinatawa niya, "Yes, I'm serious. Kahit 380 thousand binayaran namin para sa tuition mo atleast nandoon na lahat ng kailangan mo." Tumungo ito bago kinuha ang kanyang wallet galing sa bulsa sa likod ng kanyang pantalon bago kinuha ang isang credit card, "And..! Para mas gumanda pa mood mo, pinapabigay ng mommy mo 'tong credit card mo." Instead of him handing it to me, hinagis niya ito na luckily nasalo ko, "Nag transfer din kami diyan ng millions so sana gamitin mo wisely." Sabi niya bago ninarrow ang kanyang mata saakin.
Tumango ako, annoyingly, "Yes dad. Of course naman. Sa tingin niyo 'tong babaeng ito gagamitin yung perang binigay sakanya ng mga magulang niya sa mga useless na bagay? Oh hell no." Sabi ko bago ngumisi, "That's my daughter." Nakangiting sabi ni dad.
"O, since tapos na tayo magusap about sa credit card mo.. sa rules naman tayo."
Here we go..
Sinabihan niya ako na kailangan na daw muna namin makasakay ng kotse bago niya sabihin ang mga 'importanteng' bagay na kailangam niya daw madiscuss.
Pagbaba ko agad namang kinuha ni dad yung maleta ko at nilagay ito sa likod ng kanyang sasakyan, bago umupo sa driver seat sa tabi ko, so basically nasa passenger seat ako sa harapan.Pag upo niya agad niyang binuksan ang makina at pagkatapos ng ilang segundo pinaandar na ito, "Yung rules." Paalala niya, "Akala mo makakalimutan ko noh?" Sabi ni dad habang tinutusoktusok ang tagiliran ko.
Inirapan ko ito bago tumingin sa bintana, "Panguna, pag nalaman mo na roommate mo ay lalaki tumawag ka sakin agad para makausap ko ang principal ng iskwelahan niyo." Kahit hindi ako nakatingin alam kong alam ni daddy na nakikinig ako, "Pangalawa, kapag may nangbastos o may nangaway sayo sabihin mo agad sa principal, guro o mas maganda kung saakin, para makafile agad ako ng report at makausap ang mga magulang ng nangabuso sayo." Oh yes, ganyang sila ni mommy kaoverprotective. Actually wala pa nga yan eh, nung mga bata bata pa ako. Yung araw na nalaman nilang may crush ako sa isang lalaki? Inalis nila ako agad sa school bago hinomeschool. What's even worse is that nung nakuha ko yung first kiss ko, talagang nagfile sila ng report at pinakickout sa school yung lalaki.. kawawa nga eh..
"Pangatlo, pag may nakipag 'flirt' sayo gusto 'kong sampalin mo siya agad ng napakalakas or what's even better is I want you to kick them right in the balls." Straight forward talaga ang daddy ko and I'm absolutely not proud of it..
BINABASA MO ANG
Shooting Star
Mystère / ThrillerA school, a city where eveyone needs to get used to. Or a city full of dak secrets that they never want us to know? A city where once had a killing spree and was covered with blood and dead bodies lying on the field? Is that even possible? A place...