Chapter 4: 2nd Monthsary

92 5 4
                                    

I would like to dedicate this to you for  your continuously support to both of my stories.

Thank you so much!

Thank you also for the dedication. It was the first. Thanks alot:)

Enjoy reading!

___________________________________________________________________________

ANGELA’S POV

Hi! Alam ko naman na kilala nyo na ako.

Actually, nalulungkot lang ako kasi kahapon pa hindi nagpaparamdam si Alvin.

Tapos monthsary pa naman namin ngayon.

Si Jania naman ganun din.

Sabi niya busy daw siya ngayon kaya mamaya na lang daw kami magkwentuhan.

Kapag sinabi niyang busy siya, hindi siya pwede puntahan sa bahay nila.

Magagalit naman yun kapag pumunta ako.

Mga 7pm daw ako pumunta sa kanila para sabay na kami mag-dinner. Eto usapan namin sa phone:

Ako: Jania, pwede ba kita puntahan ngayon jan. Magkwentuhan naman tayo.

Jania: Best, sorry I am busy right now. Andito si Ate Sandra. Alam mo naman yun kapag andito superbond kami. Pero punta ka raw dito at 7pm at mag-dress ka ah. Sabay na tayo mag-dinner at punta raw tayo sa isang party. Don’t be late. Iiwan ka namin ni Ate.

Ako: Ok best. Hindi ba talaga ako pwede magpunta dyan?

Jania: Ano ka ba? Di ba monthsary niyo ngayon. Mag-enjoy ka na lang muna.

Ako: yun na nga e. Hindi nagpaparamdam kahapon pa si Alvin.

Jania: Best, una na ko. Aalis na kami ni Ate e. See you later. (Binabaan na nya ako ng phone.)

I am so sad. Bakit sila ganun? Bakit kung kailan mo sila kailangan saka pa sila sabay na nawawala?

Anyway, let me tell you some secret about the three of us. And I think you’ll get angry. Well, hindi ko naman kayo masisisi pero sana maintindihan niyo ako.

I am Mara Angela Sarmiento. Like what you know, I am Jania’s best friend. Since 5years old, we were together. That time, kalilipat lang namin sa subdivision nila. Pero nung mag-high school kami, lumipat kami ng family ko sa kabilang subdivision kasi nagka-financial problem kami. Mabuti na lang andyan si Jania. Her family helped my family kaya ngayon business partners na family namin. She really is an angel. Kaya siguro may nararamdaman akong panibugho sa kanya kahit na parang magkapatid na kami. I am always 2nd best to her e. Lagi na lang siya ang bida at ako alalay lang. Pareho kaming talented, matalino at maganda pero siya pa rin ang no.1.

Usually, hindi na ko sumasali sa mga sinasalihan ni Jania kasi alam ko naman na sure win na siya at ako laging mas mababa sa kanya. Minsan naiisip ko tuloy, kailan ako lalamang sa kanya? Kailan ako hindi mai-insecure sa best friend ko? Kailan ko matatanggap na siya talaga ang mas nakaka-higit sa aming dalawa?

1st year high school, nakita ko na may nagpapasaya kay Jania kahit hindi niya sabihin. Alam ko na yung sinasabi niyang prince charming ang palihim na nagpapasaya sa kanya. Hindi man niya sinasabi sa akin noon kung sino yun, nakikita ko naman sa mga kinikilos niya. Hanggang sa unti-unti kong napapansin na, it was Alvin. Si Alvin kasi ang madalas mag-approach sa kanya e at kapag nakikita ko sila, nakikita ko ung mga palihim niyang pag-smile. Nakita ko rin yung lungkot simula nung nagbago si Alvin. Kahit ilang beses niya itanggi, alam ko at nararamdaman ko. She was my best friend nga, di ba? For almost 11years namin na magkasama, alam ko na ang lahat sa kanya at ganun din siya sa akin. Alam din nya na nagse-selos ako sa kanya kaya madalas na nagbibigayan kami sa mga contest pero hindi nya alam na kahit ganoon naiinggit pa rin ako.

My Best Friend's Boyriend and My Rival (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon