"hindi mo ako pinapansin."
usal mo habang nakanguso sa harapan ko.
pinilit kong wag tumingin sayo.
dahil alam kong hindi ko matitiis ang isang kagaya mo.
"ano naman sayo?"
malamig na tanong ko.
ganun naman tayo.
lalayo ka, masasaktan ako. tapos lalapit ako, biglang okay na tayo.
sawa na akong magpakatanga sayo.
lalo na kung umaasa lang ako sa imposibleng salita na tayo.
paano hindi naman ako ang mahal mo.
kaya sana lang kung di ako ang mahal mo,
palayain mo muna ako.
hanggang sa makalimutan na kita,
para di na ako masaktan pa.
BINABASA MO ANG
joohyun [seulrene]
Poetry❛ her aura is made of poetry, roses and galaxies ❜ irene x seulgi | author: reveIuvies