ginawa ko ang lahat para sumaya ka,
dinadala kita sa mga lugar na malaya ka.
na walang mga taong nakakapagpasama ng loob mo,
na malayo sa problemang dinadala mo.
kita ko ang totoong ikaw.
ang totoong ngiti at tawa na minsan ko lang makita.
masaya ako dahil ako ang kasama mo,
nang maging masaya ka ng totoo.
alam kong marami kang nililihim na problema,
bata palang tayo, tinatago mo na.
pero bakit nagulat ako nang umupo ka sa tabi ko,
at sinabing,
"sasabihin ko na ang problema ko."
lumunok ako habang nakatitig sayo,
nakatitig sa mukha mong tinatamaan ng sinag ng araw kaya lalo kang gumaganda ng todo,
"ano?"
mahinang tanong ko.
sinabi mo lahat ng hinanakit mo,
habang tumutulo na naman ang luha sa mga mata mo.
agad kong pinunasan ang mga ito,
habang niyakap ka at kinulong sa mga bisig ko.
oh joohyun,
napakadami mong problema.
pero masaya ako at nagsabi ka na.
naramdaman ko ang pagtitiwala mo sa akin,
habang unti unti mong sinasabi ang iyong damdamin.
nang matapos ka na,
pakiramdam ko, wala ng nakaharang na pader sa ating dalawa.
pakiramdam ko, wala ka ng sikretong tinatago.
pakiramdam ko, meron na tayong pagkakaintindihan na hindi alam ng ibang tao.
tinanong kita,
"bakit mo sinabi sa akin?"
ngunit ngumiti ka at sinabing,
"gusto kong sabihin sayo,"
lumunok ka pa at umiwas ng tingin sa mga titig ko.
"dahil gusto kong malaman mo na buo ang tiwala ko."
hindi ako umimik, akala ko tapos ka na, ngunit hindi pa pala.
nabigla ako sa sumunod mong sinabi, di ko inaasahan na ito'y mangyayari.
"hindi na ako matatakot na mahulog sayo, di na ako matatakot na sabihin at iparamdam sayo."
BINABASA MO ANG
joohyun [seulrene]
Poetry❛ her aura is made of poetry, roses and galaxies ❜ irene x seulgi | author: reveIuvies