u m i i y a k
ka sa harapan ko.
habang kinekwento mo ang panggagago nya sayo.
pinaubaya na nga kita sa kanya,
dahil alam kong sa kanya ka masaya,
tapos biglang gagaguhin ka?
gustong gusto kong sugurin ang walangyang lalaking nanakit sayo,
pero ako'y pinigilan mo.
sinabi mo pang,
"hayaan mo na."
habang namumugto ang iyong mga mata.
nainis ako sa sarili ko,
dahil wala akong magawa para mapagaan ang loob mo.
kaya niyakap nalang kita ng mahigpit,
habang ang iyong mata ay nakapikit.
mahinang humihikbi sa aking tabi,
hinihimas ko ang likod mo habang sinasabi,
"hindi mo deserve na masaktan, kalimutan mo na sya."
ramdam ko na umiiling ka sa balikat ko,
habang mahinang sinasabing,
"sya lang ang gusto ko."
nasaktan ako, oo.
pero anong magagawa ko?
alam ko namang nung una palang,
s y a na talaga ang mahal mo.
at hindi a k o.
BINABASA MO ANG
joohyun [seulrene]
Poetry❛ her aura is made of poetry, roses and galaxies ❜ irene x seulgi | author: reveIuvies