s a y a
ang aking nadama,
nang manggaling sa labi mo ang mga katagang matagal ko ng inaasam na makuha.
hindi mapantayan ang aking ngiti,
at tinanong ko sayo kung siya ba ay seryoso sa kanyang mga sinabi.
"matagal na kitang gusto, ngunit natakot ako. pinilit kong ibaling sa ibang tao. pero ikaw pa din talaga ang gusto ko."
mahinang sabi mo habang nakangiti, kaya naman hindi magkamayaw ang aking tuwa, pero agad kitang tinanong,
"akala ko ba mahal mo sya?"
"siguro, nagustuhan ko din sya at masakit sa akin na ako'y niloko nya. pero ilang araw lang ang tinagal, at naramdaman kong ikaw pa din talaga. simula nung mga bata palang tayo, may special na akong nararamdaman para sa iyo. pero natakot ako, natakot ako sa pwedeng sabihin ng ibang tao."
yumuko sya ng kaunti, kaya naman napahigpit ang hawak ko sa kanyang daliri.
"pero ngayon, inisip ko, makakaya ko ba kung hindi ko masabi sayo to ng maaga at magsisi ako? makakaya ko ba kung wala na sa akin ang atensyon mo? makakaya ko ba kung di na ako ang mahal mo..."
nagangat sya ng tingin at sinalubong ang aking mga titig,
napangiti sya sa akin kaya ako'y napangiti din.
sobrang saya ko,
dahil hindi ko alam na mangyayari ang araw na ito.
"kaya naman sinabi ko na sayo, dahil handa na akong ipagsigawan sa mundo na ikaw ang mahal ko."
at ngayon,
hindi na ako nasasaktan.
napawi na lahat ng aking kalungkutan.
nang sinabi mo sa akin ang mga katagang iyan,
lalo na nang ilapit mo ang iyong mukha,
sabay ngiti sa akin ng sobrang saya,
hinawakan mo ang aking baba,
at bumulong,
"mahal kita, kang seulgi."
at naramdaman ko nalang ang kanyang mga labi,
na humahalik sa akin.
at sobra sobra ang aking saya,
dahil joohyun, sa a k i n ka na.
BINABASA MO ANG
joohyun [seulrene]
Şiir❛ her aura is made of poetry, roses and galaxies ❜ irene x seulgi | author: reveIuvies