IVAN'S POV
2 days nalang at graduation na namin pero bago kami mag graduate ay may college night kame para sa huling pagsasama namin bilang estudyante sa ADAN UNIVERSITY.
" Ivan ano gagamitin mo para bukas? " Oops! Akala niyo patay na si Benny noh? Haha buhay na buhay pa siya, muntikan ko nga lang mapatay last time. Buti nalang nakapasa to sa Thesis nila kung hindi walang Benny ang mag gagraduate ngayong year. Nyahaha
" ahm, gusto ko yung light blue na coat " sabi ko naman.
" tss! Ang daya daya talaga ng tadhana! Parang ang spoiled mo na dito sa bahay ni Alvin. Isang kasuotan lang naman ang kailangan pero sampu ang binili niya para may pag pilian ka " sabi ni Benny habang patuloy na naghahalungkat sa mga damit na binili ni Alvin para sakin.
" naku! Masanay kana kay Alvin, kaya nga tinawag kita dito kasi sabi mo sakin wala ka pang pang suot kaya eto na oh, pili kana dito para may suot ka. Sayo na rin pagkatapos mong pumili " sabi ko at nakita ko naman ang biglang pagsaya sa mukha niya. Naku!
" yiiehhh! Sabi mo yan hah. Hindi talaga ako tatanggi dyan. Ang mahal mahal kaya nito. " tuwang sabi niya.
" sus. Balakajan " ako.
At nagpatuloy na nga kame sa pag check kung alin ba talaga ang maganda para sa college night mamaya. Casual daw ang theme, kaya ayun sampung attire ang binili ng mokong. Kaloka talaga, nagsayang nanaman ng almost 100k. Sarap talaga sapakin eh.
At nakapag pili narin kami ng masuot. Ang arte arte talaga ng Benny na to, ka lalaking tao mas maarte pa sakin.
" hay... naku! Nakakapagod. Matingin nga ng Ref kung may makain dito. " salita ni Benny at ayun nga humalungkat na ng mga pagkain sa ref.
" ahh? Anong ginagawa mo dyan? " tanong ko.
" hah? " pagkalabas niya at may hawak na anim? Na topper ware na may ibat ibang dessert. Ice cream, salas, spaghetti, at manga float. Napalaki naman mata ko sa nakita ko.
" huy! BENNY bat mo kinuha lahat? Ang takaw mo naman! Babayaran mo yan! Pinagawa ko nga yan para pag nagugutom ako may makain ako! " sigaw ko sa kaniya.
" luh? Ako pa ang sinabihan mo ng matakaw eh ang dami mong pinagawa na dessert. May nakita pa akong leche flan at graham cake dun. " ngiting sabi niya na parang pati yun gusto din niyang kunin.
" yaya pakuha nga ng kutsilyo po " ngiti kong utos sa yaya at nakita kong napatingin naman agad sakin si Benny na gulat na gulat habang nilapag na niya ang mga kinuha niya sa lamesa malapit sa may couch.
" o-oh? Anong g-gawin mo sa kutsilyo? " pabulol niyang tanong hahaha
" may gusto lang akong saksakin dito sa kapaligiran ko " sabi ko at ayun dumating na nga ang maliit na kutsilyo " salamat yaya " sabi ko.
" luh? Grabe naman oh. Nakakawalang ganang kumain. Magpapahangin na nga lang muna sa labas. " siya at biglang tumayo at iniiwan ang mga pagkain na kinuha niya. Bigla ko naman siya tinigil.
" huy! Saan ka pupunta? Kakain tayo. Baliw ka talaga hahahaha kunin mo na din dun ang leche flan at graham cake kakain tayo. Bilis " tawang sabi ko at kumuha na din ako ng platito at kutsara't tinedor. Hahaha akala niya siguro imumurder ko siya haha.
Saan nga pala si Alvin? May lakad, may pupuntahan lang daw siya.
7PM
Nasa kotse na nga kame at syempre si Alvin ang nagdadrive at ngayon ay may extra kami sa likod at si Benny yun. Haha parang baliw lang, parang ngayon lang nakasakay sa ganitong kotse.
7:30PM
At ayun nakarating na nga kami sa skwelahan. At nagregister narin kami dun. Nakalipas pa ng 15 minutes ay nagstart narin ang program. Hay naku! Habol ko lang naman dito ay yung foods nyahaha.
" okay! Now I want everyone to dance someone na hindi niya kasama ngayong gabi " salita ng Emcee.
" naku! Mukhang uupo lang talaga ako dito. " sabi ko kay Benny na ngayon ay naghahanap na ng masayaw.
" dito naman ako mahal, dito lang ako sasamahan ka " salita ni Alvin at sinabi ko na bang nakakahulog panty ang porma ni Alvin? Haha pinagtitinginan nga kami ng mga babae ngayon eh baka nagbabakasakaling sasawayan sila ni Alvin. Naku! Naku! Kung kaya ko lang talaga mag cocktail sabog kayo lahat.
" aysus naman, pero maraming umaasa ngayon mahal na baka sayawin mo sila ngayon " sabi ko at tumigin sa side na kung saan maraming nakatayong babae na tumitingin samin.
" sus. Ikaw lang naman gusto kong isayaw eh.. sa KAMA " tuwang sabi niya at hinampas ko naman siya agad. Baliw na to. " aray mahal naman " imik niya
" bastus ka! " ako at uminom nalang ng wine na nakalapag sa lamesa namin. Ng may biglang lumapit na babae samin at napatitig naman ako, isa to sa classmate ko.
" ah A-Alvin, pwede ba kitang masayaw? " wow hah! Babae na ang lumapit sa kaniya. Napatingin naman siya agad sakin.
" oh? Punta na " ako
" sure ka? " si Alvin
" hayss! Alvin wag na pabebe, babae na ang nag aya sayo oh " ako
" o-okay po. Saglit lang to mahal ah " siya at tumayo na at kita ko naman ang tili ng babae. Hays, kung ako din naman ang nasa position niya ay titili din talaga ako dahil sasayaw ako kasama si Alvin Montealegre. At ako naman, paniguradong walang magbabantang makisayaw sakin haha. Im sure walang magbabantang babae na makasayaw ako at mas lalo na mga lalaki. Haha syempre mahihiya sila na lalaki din ang isasayaw nila. Maliban sa mahal ko kasi masyadong expressive yun.
Nagstart narin tumugtog ng kanta at sa pagkakaalam ko PERFECT ito by Ed Sheeran na pang ibang version haha.
" Hi " biglang may narinig akong nagsalita na ngayon ay na harap sakin nakatayo. Lumaki naman mata ko, shemayyy! Isang anghel galing sa langit. Nakawhite siya lahat at tila ang tamis ng ngiti gusto kong gawing dessert.
" p-p-p-po? " tangena! Bulol na ako.
" Can I have this dance Ivan? " salita niya muli at inabot kamay niya sakin.
" s-sure L-llyod "
Itutuloy...................
BINABASA MO ANG
KAHIT AKO'Y LILIBOG LIBOG ( I LOVE YOU FOR A THOUSAND MORE ) BOOK 2 Boyxboy
HumorAng pagpapatuloy na love story ni Alvin at Ivan o ang pagtatapos ng storya nila? _________ and...... yun lang naisip ko haha contains scenes which may not be suitable for holy audiences. hihi *flies away with halo* #247- humor (04/27/18) #174-humor...