IVAN'S POV
Umiiyak ako at tila ang naiisip ko lang ngayon ay bakit? Saan ako nagkamali? Anong ginawa kong hindi tama? Alam kong marami akong pagkukulang at hindi pwede maibigay kay Alvin, pero hindi pa ba sapat ang nagawa ko para sa kaniya?
" A-are you okay Ivan? " dinig kong nagsalita si Mackie na nagdadrive. Alam kong galit si Mackie ngayon at tila nagtitimpi lang siya, kilala ko si Mackie masyado siyang protective lalo na pag kaibigan niya.
" Mackie? Bakit ganun? Ginawa ko naman lahat para pasayahin siya, pero bakit? Bakit kailangan pa niyang makipagtalik sa iba? " mangiyak kong tanong kay Mackie. Tila napupunit ng unti-unti ang puso ko. Ang sakit lang, parang ayoko ng mabuhay.
" That dumbass! Nung nakita ko palang yun, I know that he is one asshole guy! Gusto kong gulpihin yung gago na yun! " ayun na nga inilabas na rin ni Mackie. Tsk! Hindi ko na alam kung ano pa iisipin ko, gusto kong bumalik pero sinasabi din ng utak ko na hindi ko na dapat pa isiipin yung tao na yun, na hindi ako kawalan sa kaniya. Kasi siya mayaman siya, kaya niyang makuha ang kung sino man ang gugustuhin niya. Taena! Ang sakit!
Pinara narin ni Mackie ang kotse at nakita kong nasa isang Park na kame at walang tao. Nakita ko namang bumaba siya at inopen ang pinto sakin.
" kailangan mo muna magpahangin Ivan " salita ni Mackie at umalis nalang ako at kinarga si Jacob ang Chao-Chao kong puppy. Napaupo kami sa isang bench. At ayun napapaluha nanaman ako habang nakaupo na sa bench.
" tsk! Ivan wag mo na iyakan yung gago na yun. Hindi niya deserve yang mga luha mo ngayon. Ginago niya lang pagmamahal mo para sa kaniya. " salita naman ni Mackie.
" Mackie? " salita ko
" oh? Ano yun Ivan? " bigla namang tanong niya.
" gusto kong magpapakalayo " ako
" w-what do you mean? " siya
" gusto kong umalis dito, pumunta sa malayong lugar sa kung saan hindi ko o hindi ako makita ni Alvin. " Bigla akong nakadama ng Pagod. Nawala na ako ng gana.
" if you really mean that Ivan, I will bring you to the states. I will let you stay at my house at tutulungan kitang maghanap ng trabaho dun " suggest niya.
Napabuntong hininga ako, mukhang maganda ang suggestion ni Mackie. Feeling ko sasama nalang ako sa kaniya, gusto ko makalimot na agad kasi ayokong tatagal pa ang nararamdaman ko. Baka mamatay ako sa sakit.
Pero Alvin, BAKIT?
FLASHBACK <---------
" hi po Mrs. Montealegre, tinawagan niyo po daw ako sabi ni Alvin " kinakabahan kong salita habang nakatayo malapit sa table nila ng asawa niya na of course tatay ni Alvin haha.
" oh great Ivan, I've been waiting for you. Upo ka " galak niyang sabi at umupo narin ako. Nahihiya ako sobra, kasama ko ang dalawa sa pinaka mayayaman feeling isa lang akong wrapper paper na tinapon dito. Haha
" a-ano po sana yun Ma'am ? " ako
" Ivan, wag mo na kami tawagin na Sir at Maam, pwede naman Dad at Mom. Di ba honney ? " siya at napatawa naman silang dalawa. Luh?
" nakakahiya po kasi " ngiti ko
" naku! Wag kana mahiya Ivan, mahal ka ng anak namin si John Alvin at dahil sayo may paparty siyang ganito kagarbo. Tinuturi ka narin naming anak namin, kaya ka namin tinawagan kasi gusto ko magpasalamat sayo ng lubos. Proud na proud ako ngayon sa anak kong yun, kaya Ivan, alagaan mo yung anak ko hah? Mahal na mahal ka nun, ikaw lang yung natatanging tao na pinakilala niya sakin na mahal niya at ikaa yung natatanging tao na nagpabago sa kaniya. Maraming salamat sayo Ivan. " halos mapaluha ako sa sinabi ng mama ni Alvin sakin, ang sarap sa pakiramdam na marinig ito lahat galing mismo sa magulang ng mahal mo.
------->END OF FLASHBACK
" Mom, dad, sorry po. Mukhang hindi parin ako sapat para kay Alvin " iyak ko.
ALVIN'S POV
" ma, umalis si Ivan. Hindi ko siya mahanap. Please, tulungan moko hanapin si Ivan ma, ayoko mawala sakin si Ivan " naiiyak kong kausap si mama sa phone.
" nak! Anong nangyari? Nasa office ako ngayon. May masama bang nangyari kay Ivan? " si mama
At ayun inexplain ko lahat-lahat kay mama kung anong nangyari. Walang tigil na pagbuhos ng luha ko. Para akong bata na nangungulila sa kaniya ina. Hindi ko alam kung saan ako papatungo basta nagdadrive ako sa kung saan ako dalhin ng utak ko.
" nak, Alvin, Calm down. Everything will be alright. Mahahanap natin si Ivan, magingat ka Alvin " salita ni mama at pinatay ko na ang phone. Para na akong mababaliw, muntik ko na mawala noon si Ivan sakin pero please ayoko mangyayari nanaman yun ulet. Hindi ngayon, lalo na malapit ko na hingin ang kamay niya at maging katuwang ko sa pang habang buhay ko.
Nakarating ako sa isang park at pinara ko ang kotse ko at napaupo nalang magisa sa isang bench. Tangena! Bat ang bobo ko?! Pilit kong kinokontak si Ivan pero wala na talaga ang number niya, cannot be reach na.
Nagbago na ako, naging mas matino na akong magisip ngayon, may mga plano na ako sa buhay, may pangarap na akong gustong matupad, pero paano ko yun ipagpapatuloy kung yung lakas at dahilan ko mawawala sakin?
" Ivan, mahal " tanging nasabi ko at lumuluhang magisa sa bench.
Magiging alaala nalang ba lahat? Alam kong nasaktan ko si Ivan, pinaisip ko siyang nagcheat ako. Pero bakit ganon? Hindi ko na ba pwede i explain ang sarili ko sa kaniya? Lord bakit?
MACKIE'S POV
That stupid! Hindi ko alam kung ano magagawa ko pag nakita ko yung Alvin ulet. Nasasaktan akong makita na umiiyak si Ivan ngayon, hindi ako masaya. I don't want Ivan crying, he don't deserve this. Hindi ko hiniling na maghihiwalay sila kasi alam kong masaya si Ivan but now na ganito ang nangyari, I just want to take Ivan away from here and I'll be the one to take good care of Ivan.
" Mackie gusto ko bukas umalis na tayo " biglang salita ni Ivan na ikinabigla ko naman. Luh? Bukas agad?
Itutuloy...............
BINABASA MO ANG
KAHIT AKO'Y LILIBOG LIBOG ( I LOVE YOU FOR A THOUSAND MORE ) BOOK 2 Boyxboy
HumorAng pagpapatuloy na love story ni Alvin at Ivan o ang pagtatapos ng storya nila? _________ and...... yun lang naisip ko haha contains scenes which may not be suitable for holy audiences. hihi *flies away with halo* #247- humor (04/27/18) #174-humor...