One day, ang pamilya na sina Ada, Camilla at Miko ay nagpunta sa park, para mag celebrate ng 5th birthday ni Camilla. Nagpunta sila sa park, masayang masaya sila. Dahil sa sobrang tuwa ay inatake sa puso ang kanyang ama na si Miko. Dinala nila ito sa hospital pero hindi na ito umabot.
Mula noon ay naging makulit at masama na si Camilla, hindi nya na sinusunod ang mga utos ng kanyang ina na si Ada. Ayaw nya na rin pumunta sa mga park, dahil sa twing siya'y pumupunta dito ay naaalala nya ang kanyang ama. Daddy's girl kasi si Camilla kaya talaga namang close sila ng kanyang ama kaysa sa kanyang ina.
Dahil wala na ang kanyang ama ay nagpasya si Ada na magtrabaho at ipabantay muna sa kanyang tita na si Jenisse si Camilla, habang ito nagta-trabaho.
2 months na ang nakakalipas, ngunit hindi pa rin naka move on si Camilla sa pagkamatay ng kanyang ama. Araw-araw pa rin syang malungkot at halos walang imik. Medyo sumaya siya nang makilala nya si Jenivah. Lagi sya nitong pinatatawa at lagi sya nitong tinutulungan. Ngunit nanatili itong masama at makulit.