After 1 month ay hinang hina na si Ada, ngunit pinipilit pa rin nitong magtrabaho. Samantala si Camilla ay wala pa rin pinagbabago. Lagi pa rin itong nagre-reklamo. Sa pagkakataong iyon ay nagalit talaga sakanya si Ada. Dahil pagod na pagod itong nagta-trabaho tapus siya ay walang ginawa kung hindi gumastos.
Habang tumatagal ay lalong lumalala ang sakit ni Ada. Nang siya'y naglalaba ay namatay na ito dahil sa pagod at dulot na rin ng hindi nagamot ang kanyang sakit. Nang makita ito ni Jenisse ay agad agad niyang pinuntahan sa school si Camilla upang sabihin na wala na rin ang kanyang ina.
Nakita niya si Camilla na nakikipag tawanan sa kanyang mga kaibigan, at nang sabihin niya kay Camilla na wala na ang kanyang ina ay, agad agad nawala ang ngiti ni Camilla at ito'y umiyak. At umuwi nang hindi nagpapaalam sa teacher. Iyak ito ng iyak. Siya'y nagsisi dahil magmula nang pagalitan siya ay halos hindi na niya kinakausap ang kanyang ina. Labis ang ang kanyang pagsisi at galit sa kanyang sarili. Pumunta rin doon ang kanyang mga kaibigan at naki-iyak kasama niya at niyakap siya ng mga ito. Doon niya naalala ang kasabihang:
Hangga't nandyan pa ang magulang mo ay mahalin at alagaan natin sila, dahil sa oras na wala na sila ay kahit anong pagsisisi mo ay hindi mo na maibabalik ang oras at ang buhay nila. Hindi man lahat ng bagay kagaya ng gadgets, pera mamahaling alahas etc ay nabibigay nila, pero ang pagmamahal nila sayo ay hindi natutumbasan.