10 years passed.
15 years old na si Camilla, 2nd year high school pa lang siya dahil pahinto hinto ito sa pag aaral dahil sa hirap. Marami na rin naging friends si Camilla, ito'y sina Maica, Jenelle, Josephina at ang kanyang best friend na si Jenivah. Hanggang ngayon ay wala pa rin pinagbago sakanya, hindi pa rin siya maka-move on sa pagkamatay ng kanyang ama.
Isang araw ay inalok ni Ada na kumain na si Camilla. Nang makita niya na wala nanamang ulam ay nagreklamo ito at nagalit sa ina. Palagi siyang ganyan, palagi niyang sinisigawan ang kanyang ina. Minsan ay sinasabihan ito ng kanyang ina, ngunit hindi siya nakikinig. Wala pa rin pinagbabago.
Dahil laging nag re-reklamo si Camilla dahil sa kahirapan ay, nagpursigi na mag overtime si Ada sakanyang trabaho. Halos madalang na rin itong magpahinga at madalang na rin itong kumain kakatrabaho.
Walang pakialam si Camilla, basta ginagawa niya pa rin ang gusto niya. Wala siyang ginawa kung hindi gumastos at gumala kasama ang kanyang mga kaibigan. Halos mamayat at nanginginig na ang katawan ni Ada ngunit wala pa rin ito kay Camilla.
Walang magawa si Ada kung hindi magdasal na sana ay bumalik na ang dating Camilla na, mabait, mapagmahal at masunurin.