Part 4

18 0 0
                                    

Pumasok na si Ada upang mag trabaho. Trabaho ito ng trabaho, minsan ay 2 oras lang ang tulog nito. Maya maya ay nakaramdam ito ng pagka hilo at siya ay hinimatay. 

Makaraan ang ilang araw ay ganon pa rin ang nararamdaman nito, ngunit hindi ito nag papatingin sa doctor dahil siya'y nagtitipid at sa halip na ipangpa-check up niya ito ay ginagastos niya ito para sa pag aaral ni Camilla. 

Nakwento ni Ada kay Jenisse ang nangyari, at agad agad naman nitong sinabi na magpa-check up na at nag abot ito ng pera. Ngunit hindi ito kinuha ni Ada at sinabi na kung kukunin ko man yan, ay igagastos ko yan para sa pangangailangan namin gaya ng pagkain, tubig o kuryente, basta ayokong mag pa check-up. Sinabi niya rin na wag ng banggitin kay Camilla dahil ayaw niya itong mag alala. 

After 3 months ay mas lalo pang lumala ang nararamdaman ni Ada. Hindi rin alam ni Camilla ang kanyang nararamdaman. 

Si Camilla naman ay gala pa rin ng gala. Hanggang sa napag usapan nila ang kanilang mga pangarap sa buhay. Naunang magsalita si Jenivah at sinabi nito na gusto niyang maging doctor, si Maica naman ay gustong maging chef, at si Jenelle ay gustong maging nurse, at si Josephina ay gustong maging hrm. Hindi nagsalit si Camilla, hanggang sa itanong sakanya ni Maica kung anong gusto niya pag sila'y lumaki, at ang kanyang sagot ay gusto kong maging architect, dahil iyon ang pangarap ng aking ama, ang magkaroon ng magandang bahay. 

I Wish I could bring back timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon