Ang sumusunod ay produkto lamang ng MALANDING utak ng AWTOR.
-------------------------------------------------
"My 7 Last Days DIE-ary"
written by YANonymous / YanMadiclum
"Baka 1 week or less nalang ang itatagal mo..... "
Tiningnan ko lang yung doktor.
"I'm sorry Ms. Irvin....." dagdag niya.
Nginitian ko lang siya sa kabila nang mga sinabi niya. Alam ko naman kasing mangyayari ang mga toh eh, na isang araw eh malalaman ko nalang na mamatay ako.
"It's okey...." Lumabas na ako na nakangiti parin. Ayaw ko kasing
ipakita sa kanila lalong lalo na sa betsfriend ko na natatakot akong mamatay.
"So ano daw? Okey ka na daw ba?" tanong ni Andrei, ang bestfriend ko. Tumakbo ako patungo sa kanya at niyakap siya
ng super higpit. Pinapakita na masaya ako.
"Oh? Bakit mo ako niyayakap? Ganun na ba talaga ako ka-irresistable?" Kinurot ko siya.
"Wala lang feel ko lang" bumitaw na ako sa pagkakayakap ko sa kanya.
"Ano ba daw kasi sabi ng doktor? Magaling ka na ba Tania ?" I smiled at him bago ako sumagot.
"Im going to die. 1 week or less nalang daw ang itatagal ko." sagot ko in a happy tone.
"That's not a good joke. It's a joke right?"
"Nope. It's true." medyo yumuko ako. Pakiramdam ko kase tutulo yung mga luha ko.
Wala na siyang nasabi. Napa-upo nalang siya sa sahig.
"Hoy! Tumayo ka nga." Halatang umiiyak si Andrei. Tumayo naman siya.
"Andrei..." gusto kong sabihing ang hirap pero hindi pwede, kailangan ko kasing magpakatatag para sa inyong lahat .
"Tania , okey ka lang ba?" He was looking straight into my eyes.
"Im always okey." Ang hirap itago ang totoo mong nararamdaman. Sa tuwing tumatagal yung pagpapanggap
ko na OKEY lang ako eh mas lalong bumibigat yung dibdib ko. Hinila ko na siya palabas ng ospital.
8:45 P.M.
Nandito kami ngayon ni Andrei sa isang park, ang tambayan namin ni Andrei simula nung mga bata pa kami.
Nakahiga lang kami sa damuhan. Tahimik na tinitingnan ang mga bituin sa langit.
Riiiing riiiiing
"Hello?" agad ko namang sinagot yung cellphone ko.
"Tania.........." umiiyak yung nasa kabilang linya.
"Sino to?" tanong ko
"It's me Tania, your Mom" bigla nalang tumulo yung mga luha ko. Nasa America kasi si Mommy, actually buong pamilya ko.
Ako lang mag-isa naiwan dito sa Pinas. Gusto sana nila noon na sumama ako para doon na ako ipagamot pero
nag-insist ako na hindi. Hindi ko gustong iwan si Andrei dahil sa pesteng sakit ko na 'to. Kaya naiwan lang ako
sa bahay, kasama si Yaya Lusing. Minsan nakiki-sleepover na lang si Andrei dito sa bahay para hindi
daw ako malungkot.
I hunged up the phone. And bursted into tears.
"Ganyan ba ang okey?"
"I'm sorry Andrei. Nagpanggap akong okey ako. Hindi ko lang kasi gustong ipakita na natatakot akong mamatay.
Pinipilit kong maging malakas para hindi ko maramdaman na...." bigla niyang pinunasan ang mga luha ko.
"It's all right...." nagpapasalamat talaga ako sa Diyos dahil sa kabila ng mga nangyari sa buhay ko
ay hindi ako iniwan ng bestfriend ko.
"Thank you..." tiningnan ko siya.
"The night sky is beautiful. Isn't it?" Tanong niya out of the blue.
Tumango naman ako habang nakatingin sa kalangitan.
"It's pretty, like you." Kahit kailan corny talaga to.
"It's beautiful, the way those stars twinkles in that big black color of the night sky...." Ang talinghaga naman ni Andrei magsalita.
"Ahh, bakit? may mga nag-tutwinkle bang mga 'tuldok-tuldok' sa mukha ko at inihalintulad mo ako sa
night sky? At ano ang ibig mong sabihin? Na maitim at malapad tong mukha ko?"
"Hahahahahaha, siyempre hindi. " he chuckled.
"Eh ba't tumatawa ka?" tinaas ko yung kanang-kilay ko sa kanya.
"Hindi, pero....totoo naman eh"
"Na maitim ako? Na malapad mukha ko?"
"Hindi..kaw naman eh."
"So anong totoo?"
"Ah-eh, totoo na maganda ka." Maganda ako? Naku, pakiramdam ko nagbu-blush ata ako.
Then Awkward SHYlence....
"Uy! Shooting star!" sigaw ko.
"Let's make a wish."
Pinikit ko ang mga mata ko at taimtim na humiling.
"Anong wish mo?" tanong ko
"Wish ko na sana, magtagal ka pa. Gusto pa kasi kitang makasama. Ikaw?"
"Ahh, wish ko? Wish ko na sana eh, maging masaya ako sa mga nalalabing araw
ko. I just wanted to make use of my time, my REMAINING TIME. Gusto kong maging memorable
tong last 7 days ko. You'll help me make it possible, right?" Tumingin ako sa kanya.
"Of course." sabay tango.
"That's my Bestfriend!" pinisil ko yung pisngi niya.
"Aray! Masakit ah!" hinimas-himas niya yung part ng mukha niya na pinisil ko.
"Cute mo kasi." Cute naman talaga siya (pero mas cute ang author*Kapal)
"I know right." tapos binalik na niya yung tingin niya sa langit.
"So, what's your plan?" he asked.
"Teka, lang mag-iisip ako"
After an hour of brainstorming, sa wakas nakaisip narin ako on how to make use of my time.
"Oh, I get it. Everyday may mga objectives tayo. Tapos yung mga objectives na yun kailangan nating magawa within
that day. Yung mga objectives na yun, bale yun yung mga gusto kong gawin sa araw na yun. Wish kumbaga."
"Ahh, ano bang mga hiling mo."
"Wala pa akong na-iisip eh, pero promise me, you'll help me. Sige ka, pag hindi mo ko tinulungan,
mumultuhin talaga kita."
"PROMISE! CROSS MY HEART." Sabay guhit ng cross sa kaliwang-dibdib niya.
"...and promise me, walang iiyak." Tumango siya
"I, Andrei Roque, nangangakong hinding-hindi makakakita si Anatania Irvin ng kahit isang droplet ng
luha mula sa mga sparkly at magaganda kong mga mata." Itinaas pa niya ang kanyang kaliwang kamay.
"Kapal mo. So, it's a deal?"
"I guess so,"
"Kahit kailan maasahan ka talaga. Sige, uwi na 'ko. Ingat ka! Bye!" nagwave hands ako sa kanya.
Umalis nako, habang siya dun naiwan.