--_____________--
Medyo tanghali narin nang magising ako.
Mag-eeleven na.
Eleven.
<( O o O )>
Huh?! Eleven?
Anak ng---. PUCHA. Medyo napagod siguro ako sa ginawa namin kahapon.
(A: Waah?! Anong ginawa niyo kahapon?)
Pwe. Ang dirty minded ng Author. Pabayaan niyo na nga yan.
(A: KJ neto.)
Tigilan mo ko Awtor! Kulit mo.
Pumunta ako sa work table ko para i-check yung tamang oras. Eleven na nga.
Sayang ang oras.
Kinuha ko yung phone ko sa bag at tinawagan si Andrei.
"NananananaH, Gwiyomi....Gwiyomi.....Gwiyomii."
Eew! Kadiri ng ringback tone. GWIYOMI.
Medyo matagal-tagal pa bago niya sinagot.
"Oh? *yawn* Tania?" Halatang bagong gising. Anak ng Anak ng Lola ng Anak ng Tatay ng Tiyahin mo.
"Andrei, kakagising ma lang din ba?" tanong ko.
"Actually kakatulog ko lang. Tulog ka na rin." Nasa gana talagang mamilosopo. Bwisit!
"UPAK?"
"Ano ba kelangan mo?"
"I-ice candy ko kaya yang utak mo?"
"Ano na naman ba ginawa ko." Makakalimutin talaga tong si Andrei, sarap pektusan.
"Andrei, seryoso."
"Nagbibiro lang ako. Sorry. Hehehe."
"Nakuha mo pa talagang magbiro ha. Naku. By the way, Paano ko kaya gagawin tong wish number three." Yung wish number three: Gumawa ng isang malaking iskandalo.
Naku. Isang sepyat ko lang, maari akong makulong dahil sa gagawin kong to.
Pero dibale na, mamamatay na naman ako eh.
"Aaah? Wish number three: Gumawa ng isang malaking iskandalo. Ang hirap naman neto. Baka makulong o madisgrasya ka. Palitan mo nalang."