FIRST DAY:

94 8 4
                                    

Kinabukasan, maaga ko pa siyang tinawagan(hindi pa nakapag-mumog) na magkita kami sa paborito

naming coffee shop. Ipapakita ko na kasi sa kanya yung mga pinaghirapan kong isipin

na mga wish ko. At ngayong araw, I have 6 days or less left.

"Hi Andrei!" Kakarating lang ni Andrei. Umupo siya sa tabi ko.

"Eto na yung 7 last wish ko. Tag-isa tayo ng copy para mas mabilis tayong makapagplano

kung paano natin maa-achieve tong mga wish ko." Inabot ko sa kanya ang isang coupon bond.

----------------------------------------------------------------------------------------------

MY WISHES

1. Have fun the whole day sa isang PERYA/CARNIVAL.

2. Stroll around kahit saan, basta sasaya ako!!!

3. Gumawa ng isang malaking iskandalo.

4. Maligo sa ulan na TOTALLY NAKED.<Ako lang dapat mag-isa>

5. Horror Movie Marathon.

6. Space Travel.

7. To have a date with someone.<Kahit sino.>

and in case mabuhay ako,

8. Fall in love with someone.

Signed by: Anatania 'Tania' Irvin

-----------------------------------------------------------------------------------------

Sigurado ako matapos niyang basahin ang nasa loob ng coupon bond na 'to

eh mag-nonobela siya sa PAGREREKLAMO.

"Baliw ka ba? Bakit hanggang 8? Diba usapan natin 7 lang? Tapos, okey na sana tong Wish 1 and 2 eh

kasi madali, pero itong Wish 3 naman, gagawa ka nang isang iskandalo? Paano kung

makulong tayo niyan? Ano ba ang pumasok sa kukote mo ha? Wish 4? Maliligo sa ulan? Nang hubo't hubad?

Paano kung may makakita? Tapos, pinicturan ka at kumalat sa mga social cites?

Paano kung hindi umulan? May magagawa ba tayo diyan? Tong Wish 5 naman?

Alam mo naman diba na hindi ako nanonood ng Horror movies kasi matatakutin ako diba?

Gusto mo bang maka-ihi ako sa higaan ko dahil hindi ako makatulog dahil sa takot?

Paano kung binangungot ako at namatay? Wish 6? Wow! Space Travel. Sa tingin mo,

maa-afford kaya nating mag Space travel? Hindi nga tayo makapunta sa South Korea sa Space pa? Itong Wish 7? Date with someone?

Sino naman kayang Pontio Pilato ang pipilitin kong makipag-date sayo? Paano kung may gawing

masama sayo? Eh di kargado de konsensiya ko pa? Tapos eto Wish 8, nagdagdag ka pa nang isa, kay sinong tarpulano ka

naman kaya ma-iinlove sa natitirang 7 days mo? Kaya mo bang mainlove sa ganun kaikling panahon? Haaaayyyy!!!"

pinuno niya na nang question mark tong tenga ko. Tiningnan ko lang siya nang masama. Andrei, seriously?

"Alam mo, kung alam ko lang na kaya ko ang mga yan ma-achieve, sa tingin mo hihingi pa ako ng tulong sayo?

Huwag kang mag-alala, kung may mangyari man eh sisiguraduhin kong hindi ka madadamay! Kaloka ka!

My 7 Last Days DIE-aryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon