PANIMULA

761 26 4
                                    

           "Ano ka ba? Huwag ka ngang umiyak! Araw ng kasal mo saka ka pa magdradrama ng ganiyan." Rinig ni Hikaring pagalit na litanya ng kaniyang tiyahin. Nasa dressing room siya at kasama niya ito.

Tinignan niya ang sarili sa salaming nasa harap nito, halos hindi niya makilala ang mukha sa galing ng kamay ng baklang nagmake-up sa kaniya. Naitago niyon ang kalungkutan at kamiserablehang kaniyang nararamdaman sa araw na ito. Marriage supposed to make her happy, pero sa lagay niya ay hindi.

Pilit siyang pinakakasal ng tiyahin sa lalaking kailanman ay hindi pa niya nakikilala. Ang alam niya ay mayamang matandang binata ito, at balak ng magsettle down. Malaki ang pagkakautang rito ng kaniyang tiyahin, dalawang milyon, at siya ang ginawa nitong pangbayad.

Hindi naman siya makatanggi. Malaki ang utang na loob niya rito. Ito ang kumupkop sa kaniya nang iwan siya ng prostitute niyang ina. Ito ang nagpalaki sa kaniya, nagpaaral at itinuring na parang anak. Pero nagbago ang lahat ng mamatay ang asawa nito. Nalulong ito sa bisyo at naging tambayan ang casino.

Habang papalapit na siya ng papalapit ay hindi niya maiwasang maiyak, pinangarap niyang maglakad sa aisle, ang makasal, pero sa taong ipinintig mismo ng kaniyang puso.

Gusto niyang umatras, gusto niyang humakbang palayo pero umaalingangaw sa isip niya ang sinabi sa kaniya ng kaniyang tiya Amanda.

"Huwag mong tatangkaing tumakas bata ka! Kung ayaw mong malintikan tayong dalawa! Naiintindihan mo?!"

"Hikari Jimenez, do you take Rafael Sandoval as your husband?" tanong ng pari. Tinignan niya ang lalaki. Guwapo ito pero hindi niya naramdaman rito ang spark na hinahanap.

Naghuhumiyaw sa isip niya ang pagtakas, ang pagtakbo sa realidad. Hindi niya ito mahal, hindi ito ang gusto niya. At iisa na lang ang naisip niyang paraan.

"I'm sorry," mabilis niyang sagot saka tumakbo palabas ng simbahan. Naririnig niya ang pagkakagulo sa loob. Ang hiyaw ng kaniyang tiyahin pero hindi niya iyon pinansin. Mabilis siyang naglakad. Hinubad niya ang suot na heels saka tumakbo ng nakapaa.

Mabilis niyang pinara ang kotseng nakita. Humingi siya ng saklolo rito. Nang huminto ito ay nagpasalamat agad siya sa diyos.

Agad siyang sumakay roon at nagpahatid sa terminal. Sa wakas, nakamit niya rin ang kalayaang kaniyang hinahanap.

____

Please do VOTE, FOLLOW me at WATTPAD to support me and ADD or VISIT me on FACEBOOK @ Yan yan (D'Romantica Mambabasang Manunulat) for some announcements and message of appreciation. . . THANK YOU SO MUCH!

My Runaway BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon