Umalis na si Zero sa tapat ng bintana at nagpasyang maligo na upang bumaba. Magpapakita muna siya sa kaniyang tiyahin kahit pa tiyak niyang batid na nitong dumating siya.
Matapos makapagbihis ng cargo short at puting sando ay napagpasyahan niyang bumaba na. Eksaktong nasa pintuan na siya ng kusina ay siya namang paglabas ng isang di pamilyar na tao.Nagkagulatan pa silang pareho. Nanlalaki ang matang nakatitig ito sa kaniya samantalang siya ay hindi mapigilan ang mapakunot noo. Binistahan niya ang mukha at ayos nito. Sa pigura nito ngayon ay mukha lang itong disi-otsong binatilyo. Naka 2x3 cut ang buhok nito. Maliit rin itong tao. May nunal ito sa kaliwang ibabang parte ng mata. Maputi rin ang balat nito. Nakasuot ito ng itim jersey short at kulay green medium size t-shirt.
Kumibit-kibot ang labi nito at tila nag-iisip ng sasabihin.
"Sino ka?"
"Anong ginagawa mo rito?" Sabay nilang sabi.
"Ay, este ang ibig kong sabihin kayo ho ba si- si-sir Zero?" Agad nitong bawi. Mas matinis rin ang boses nito kung ikukumpara niya sa ibang lalaki.
Hinuhuli niya ang tingin nito. "Oo, bakit? Ngayon puwede ko na bang malaman kung anong pangalan mo at anong ginagawa mo rito?"
"Ah-ah…" Hindi na nito natapos ang sasabihin ng marinig niya ang boses ng kaniyang Auntie Aileen.
"Zero!" Mabilis niyang nilingon ang pinanggalingan ng tinig. May mga bibit na ecobag ang kaniyang tiyahin na naglalaman ng mga pinamili nito.
"Tita!" At tinulungan ito sa mga dalahin. "Pasensiya na ho kayo at hindi na ako nakapapaalam na darating ako. Balak ko talaga kasing sorpresahin kayo."
Ngumiti naman ito sa inihayag niya. "Naku! Ginulat mo ng ako eh. Paglabas ko ng bahay, eh nakita ko 'yang paborito mong sasakyan kaya dali-dali akong namalengke."
"Ito, bumili ako ng bagnet. Alam kong paborito mo iyan lalo pat isa ito sa ipinagmamalaki ng ating munisipalidad." Napangiti siya roon. Namiss niya talaga ang pagkain rito sa Narvacan.
"Harry, tulungan mo si kuya Zero mo rito." Mabilis na lumipad ang atensyon niya sa binatilyong kausap kanina.
"Opo." Tahimik at nakayuko itong lumapit sa kaniya saka kinuha ang isa pang bibit niyang eco bag na ililapag nito sa dining table.
Bumaling ang tingin niya sa kaniyang tiyahin ng magsalita ito.
"Nga pala Zero, si Harry pala. Katulungan ko siya rito sa bahay, alam mo naman, matanda na kami ng tiyo Tonio mo."
"Eh paano niyo ho ba siya nakilala? Mukhang menor de edad pa lang."
"Ay 'yon ba? Tinulungan nak met gamin idi. Natakawan nak kuman nu haan suna naglaaw nga taktakawan dak." Ang sinabi ni Auntie Aileen ay tinulungan daw siya nito at kung hindi sumigaw nanakawan na ito ay nanakawan na sana ang tiya.
"Adiay, ken dinamag ko nu kasatnuk maipakita ti panagyaman ko kinyana." Na may ibig sabihin na "'Yon, at tinanong ko kung paano ko siya mapapasalamatan."
Napatango-tango naman siya.
"Wala daw kasi siyang matutuluyan dahil isa na siyang ulila sa magulang kaya kinupkop namin ng tiyo mo. Bukod roon wala naman kaming anak, ang sabi rin niya bilang kapalit eh tutulong siya rito sa gawing bahay."
Napatango siya roon. Likas talagang mabait ang kaniyang tiyahin.
"Eh may kasama pa ba kayong babae rito tita?" bigla niyang tanong ng maalala niya ang narinig na boses kanina.
BINABASA MO ANG
My Runaway Bride
RomanceThe Engineers Series 5: My Runaway Bride (ZERO COSTALES) Hikari Jimenez o mas kilala sa pangalang Harry Jimenez. Kailangan niyang magpanggap bilang lalaki para hindi siya makilala at mahuli ng matandang binata na pinangakuan ng kasal ng kinalakihan...