KABANATA II

198 12 5
                                    

Inihanda na ni Zero ang lahat ng kaniyang mga gamit para sa gagawin niyang soul searching. Maglilibot muna siya upang hilumin ang nabigo niyang puso. Napangiti siya ng maalala niya si Nadie. Masayang masaya ito habang suot nito ang wedding dress para sa kasal nito at ng kaniyang kaibigan na si Jeilon.

Pero napatigil siya sa pag-iimpake nang sumagi sa kaniyang gunita ang babaeng tinulungan.

May hinala na siya kung anong nangyari rito. Isa sa mga nangyayari sa totong buhay pero tila isang eksena sa isang palabas. Tumakas dahil napilitang ipakasal sa taong hindi naman mahal.

Muli na naman siyang napabuntong-hininga. Kung siya siguro ang pinili ni Nadie kahit ang totoong mahal nito ay si Jeilon, baka maging katulad lang ito ng babaeng nakaengkwentro niya. Tama siguro ang naging desisyon niya, ang palayain ito. Hindi ito magiging lubos na masaya sa piling niya.

Napalingon siya sa pinto ng kuwarto ng makarinig siya ng pagkatok.

"Pasok."

Iniluwa niyon ang kaniyang ina, ngumiti siya rito gayundin ito.

Umupo siya sa kaniyang kama, naglakad naman ito palapit sa kaniya. Nagbuga ito ng hangin at binigyan siya ng nakakaunawang tingin.

"Mag-iingat ka sa byahe anak. At sana sa paglalakbay mo, eh mahanap mo na ang para sayo." Hindi lingid sa kaniyang ina ang pagtingin niya kay Nadie. Suportado nito ang lahat ng kaniyang desisyon sa buhay pati na rin ang kaniyang mga hilig.

Inilatag niya ang dalawang kamay sa makabila niyang hita. Ngumiti siya rito at tumango.

"Opo ma, salamat." Humakbang ito palapit sa kaniya at tumabi sa pag-upo.

"Anak... huwag mong madaliin ang makalimot, dahil lahat tayo darating diyan, time will heal ika nga nila. At ngayong tanggap mo na kung anong nangyari sa pag-ibig mo, mas madali na lang para sa iyong buksan ang mata mo para sa ibang babae."

Inakbayan niya ang kaniyang ina.

"Alam ko na 'yan ma. Tanggap ko na ring hindi talaga ako ang para sa kaniya, pero sisiguraduhin ko, pagbalik ko rito may apo ka na," pagbibiro niya.

Hinampas nito ang kaniyang hita. "Loko kang bata ka." Tinawanan niya lang ito at hinalikan ang sintido.

"Mama naman, hindi ka na mabiro," tumatawa pa rin niyang sabi.

"Biro ka diyan, mamaya magkatototo pero sana nga mangyari."

"Mama!" namamangha niyang saad.

"Eh basta siguraduhin mo lang na nobya mo iyan ha? Matanda ka na, ikaw na ang bahala sa buhay mo."

Umiling lang siya sa payo nito at hindi na kumontra.

'Opo."

"Ikumusta mo ako kay Ante Aileen mo roon ha?"

"Oo naman ma."

"O siya lumakad ka na at baka magabihan ka." Hinaplos niya ang braso nito.

"Mayroon naman akong susi, kung tulog na sila hindi ko na sila kailangang abalahin." Lumukot ang mukha nito.

"Heh! Iyang byahe mo sa gabi ang inaalala ko, baka mapano ka diyan sa daan."

Ma! Malaki na ako, kaya ko na ang sarili ko. Don't worry, okay?"

Napabuga muli ito ng hangin. "O siya, nagluto ako ng malagkit at hotcake, baunin mo sa biyahe. Para kapag nagutom ka, eh... mayron kang makain."

"Ang sweet naman ng mama ko, mamimiss mo lang ako eh," tudyo niya sa ina.

"Heh!" Tumayo ito at humarap sa kaniya. "Kumilos ka na diyan Zero at baka magabihan ka."

"Opo." Natawa naman siya sa ina, hindi pa kasi nito amining namimiss lang siya nito?

MULA sa probinsya niyang La Union ay mga tatlong oras siyang nagbiyahe. Pinili niyang magdrive ng ala-siyete ng gabi para iwas sa traffic kaya mga alas onse na ng gabi siya nakarating.

Inihinto niya ang sasakyan sa tapat ng bakuran ng kaniyang bahay. Patay na ang lahat ng ilaw sa bahay. Hindi na siya nagtaka roon, hindi niya kasi ipinaalam sa kaniyang Auntie Aileen na kapatid ng kaniyang mama na si Thelma ang kaniyang pagdating.

Nilanghap niya ang sariwang hangin sa paligid. This is it... Sisimulan na niya ang pagliliwaliw bukas or sa susunod na araw pagkatapos niyang magpahinga mula sa biyahe. He will engage his self to some tourist spot of the place especially the 'Bantay Abot' na isa sa ipinagmamalaki ng kanilang lugar.

Tinanggal niya ang kaniyang seatbelt at umibis ng sasakyan. Binuksan niya ang tarangkahan upang makapasok ang kaniyang paboritong Custom Jeep Cj5 na pinakulayan niya ng forest green. Hindi niya binitbit ang kotse dahil mas komfortable siyang gamitin iyon lalo na kung nagliliwaliw siya.

Inilabas niya ang susi na nasa kaniyang bulsa para mabuksan ang pinto ng walang ingay. Mabilis siyang dumiretso sa kaniyang higaan, ibinagsak niya roon ang katawan. Napagod siyang magmaneho, at kailangan niya munang matulog.

Lord knows, dreams are hard to follow but don't let anyone tear them away. Hold on, there will be tommorror, in time youll find the way...

Naalimpungatan si Zero sa boses na kaniyang naririnig, para siyang hinihele dala ng pagiging malamig ng boses nito. Tila ba isang anghel ang bumaba mula sa langit para siya ay kantahan.

And then a hero comes along with the strength to carry on, and you cast your fears aside and you know you can survive.

Gumaan ang kaniyang pakiramdam sa hindi niya maintindihang dahilan.

So when you feel like hope is gone, look inside you and be strong, and youll finally see the truth that a hero lies in you.

Iminulat niya ang mata para siguraduhing hindi guni-guni ang kaniyang naririnig. And there she goes...

Mmm, that a hero lies in you...

Inalis niya ang kumot na nakatabing sa katawan at humakbang palapit sa bintana saka hinawi ang kurtina doon. Pero napakunot siya ng noo ng wala siyang maabutang tao. Sigurado siyang sa bandang garden niya iyon narinig.

Baka nanaginip ka lang? sansala naman ng kaniyang isip.

Imposible iyon dahil sinigurado niyang gising siya at narinig pa niya ang huling parte ng kanta.

Ipinilig niya ang kaniyang ulo dahil wala naman siyang maapuhap na sagot sa sariling katanungan. Siguro nga ay nanaginip lang siya.

_____

Please do VOTE, FOLLOW me at WATTPAD to support me and ADD or VISIT me on FACEBOOK @ Yan yan (D'Romantica Mambabasang Manunulat) for some announcements and message of appreciation. . . THANK YOU SO MUCH!

My Runaway BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon