LNBY 3 - Clark Angelo "ACE" Chua

294 10 0
                                    

*ACE's POV*

"Oo ako, may angal?" sabi ko dun sa babaeng yun. kanina pa yun e? irita? meron ba siya? 

"A-anong ginagawa mo di-dito?! Bak-la!" aba, bakla? patikimin ko to eh!! ...ng matamis na halik. manyak ka Ace, tigilan mo yan. 

"Edi eto klase ko. Ba't ka nauutal? Crush mo ko?" nilapit ko pa mukha ko sa kanya hehe mukhang palaban e? 

"ANO BA HA!" halatang asar na e? pero namumula siya.. cute. HA? cute? nahihibang ka na Ace? wala ka pang sinasabihan ng cute. 

tumayo nalang ako tas umupo sa pwesto ko, syempre dun ako sa likod, magaling ako e. 

"Shet ka, Ice. Magkakilala pala kayo nun. Di mo sinasabi! Kalurky ka girl. Bagay kayo!!! First time ka nang magkaka-fafa!" 

"Nyeta ka, tigilan mo ko Charm, hahambalusin kita!" 

Haha, rinig ko pa sila ng kaibigan niya magusap e. So.. Ice pala pangalan niya? Di pa siya nagkakaboyfriend? Exciting. 

"SHET PARE! SABI NA MAGKAKLASE TAYO!" huh, sino 'to?

*harap sa gilid*

"uy, dito ka rin pala pre? kala ko sa kabilang section ka?" yun oh! my bro, galing din to sa Thompson e, si Adrian. kabarkada ko yan. pero para kaming bakla nagkamustahan ba naman ng malakas? 

"naman! ano yung kanina? chicks mo? ayos pre. ganda nga nung kaibigan niya e, si Charm. reto kita kay Ice?" ahh, kilala niya sila Ms. Palaban. 

"kilala mo yun?" 

"Oo pre, pinsan ko si Ara, yung isa niyang kaibigan. taken na rin kasi pinsan ko e, saka yung isa nilang kaibigan si Bea." ohh, relatives. ayos gawa. 

"Di ko type." 

"Ulol! Di mo type? Titigan mo parang matutunaw? Dyan ka na nga." 

di ko namalayan, kanina pa pala ako nakatingin sa kanya. 

tumagilid si Ice tapos ngumiti. ganda ng ngiti niya. *dugdug* pota ano yon? may saket ako? pero.. napangiti niya din ako sa ngiti niya.

*ICE's POV*

"Di ko type." rinig kong sabi nung Asungot kay Adrian. 

alam kong ako pinaguusapan nung mga yun pero bakit ganun... parang ang sakit sa loob nung narinig ko yun? 

"HAHA Ice, nagtext si Kuya, muntik na raw siyang maihi sa harap ng crush niya HAHAHA!" biglang kwento neto ni Charm saken, humarap ako sa kanya saka tumawa. 

kitang-kita ko sa peripheral vision ko si Asungot, biglang ngumiti. *dugdug* HA? bakit ganun? wala naman akong sakit sa puso damn. ang pogi niya ngumiti. 

"Okay, class. Tutal, mukhang kilala niyo na naman si Clark eh, magsimula nalang tayo. Eto ang magiging lessons natin blah blah blah yadda yadda yadda prooot proot..." 

*ring!*

yes! bell na! gutom na ko.. T.T 

"Charm, Ara, Bea... Caf na tayo, gutom na ko eee." sabi ko sa kanila, busy sila e.

"Ah. Ice, una ka nalang, may gagawin pa kami eh? Okay lang ba?" hmmph, ba yan. 

"Sige na nga. Text niyo nalang ako kung sunod kayo ah?" 

"SURE!!" 

Love? Nakakain Ba Yun?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon