*ICE's POV*
"Pwede bang ikaw nalang?" dugdug, dugdug... hala grabe, di ako nakasagot, napatameme pa ko!! di ko alam gagawin ko.
"JOKE. Manang, ganun na rin po sakin." tang.. na tinimpla!! SABAY JOKE?!? teka nga.. ba't ba ko nagagalit. gusto mo kasi siya, bruha. HINDI AH!! aggh ba't ganto!
"Hoy! Kanina ka pa di nagsasalita dyan, psh. Tara, dun nalang tayo kumain sa may park sa labas ng school. Nakuha na yung upuan natin tsaka wala na rin namang subjects after neto." onga no, kanina pa ko di nakaksagot. badtrip naman kasi yan "pwede bang ikaw nalang" na yan eh!! di ako maka-get over.
"HOY BABAENG AMAZONANG TULALANG WALANG MASABI! HALIKA NA!" sigaw nung hinayupak na asungot na yun habang dala-dala yung pagkain namin.
"Bwisit ka ah! Oo na! Eto na!" pssh, amazona ba naman daw kasi? di kaya -___-
*SA PARK*
"Hay! Ang tahimik pala dito no, ang ganda pa! May playground, may lake, may garden.. Hala! Ansaya! Pwede pala mag-boat riding dito!" Totoo naman kasi, di ko na napigilan mamangha.. IN fact, ngayon lang ako nakapunta dito.
"Ngayong ka lang ba nakapunta dito?" Sabat ni Ace habang sinimulan na yung pagkain niya.
"Oo eh. Sa tinagal-tagal ko sa school na yun, ni hindi ko 'to nadadaanan." eh sa bulok na ko dun sa lugar na yun, sa buong tanang buhay ko di ko to napuntahan! sayang oh!
"May kalayuan din naman kasi sa school 'to. Ako nga, taga-Thompson, alam ko 'to e. Mas malayo naman yun diba." sa bagay, edi siya na ang edventurer! Go Diego Go! Este, Go Ace, Go! Wahaha.. Ang corny ko nakakaiyak.
"Oh. Eto, kumain ka na nga lang." sabi niya sabay abot sa 'kin nung pagkain.
grabe, ang ganda dito. di ko mapigilan mapangiti kapag naaalala ko yung bonding namin ni Mama, Papa at ni Kuya. hay, sana madami pang ganito sa Pilipinas.
"Maganda ka naman pala kapag nakangiti, parati kasing high blood. easy ka lang." parang nag-init yung pagmumukha ko sa sinabi niya >.<
"Che! Wag mo nga ko tignan!!" di ko alam kung pano niya di mahahalata na.... ano uhm, sige na nga.. kinilig ako dun. agh!
"Wag ka kasing masungit. Amp. Alam kong di maganda yung una nating pagkakakilala pero..." AY PUSANG KINALBONG HUNYETRES. tamang pahiran ako ng ketchup sa mukha?!?!
"WAHAHA HABULIN MO KO!!! BAGAL MO KASI!! ANG LIIT LIIT MO!!" yung epal na yun sabay takbo! asar!
"HOY ASUNGOT!! LUMAPIT KA DITO!! AAAGH!! PAG NAABUTAN KITA, PUPUTULAN KITA!!!!" buset!
"WAH ANG LIIT WAHAHA MAIKLI ANG LEGS.. DI KA NAMAN SEXY EH! PAYATOT! HAHAHA DI AKO KAYANG HABU- BLAG!!" mm yan tae ka, karma! anong ginawa ko? simple lang, binato ko sa kanya yung heels ko tapos di siya nakatingin ayun bumangga sa puno ang loko ^___^ revenge is sweet!
"Yan ang napapala mo! Asungot much! Aheheheheh!" wahahaha ang saya naman neto!!
"Ikaw dwarfina ka!!" Aba't lakas ng loob neto mang-asar!! Psh!!
"BAKLAAAA- AUMPH!" putek ano yon?!?
"Sinong bakla ngayon ha? Baka gusto mong halikan kita?" shoot. sa kanya pala ako bumangga at naka...patong ako sa kanya ngayon.. uhhh
"Oh? Ayaw mong umalis? Gusto mo talaga magpayakap? Ganun ah!" bwiset tong baklang tooooo!!! pinulupot yung kamay sa bewang ko sabay nagpagulong-gulong kami na ewan!!
"HAHAHAHAHAH!"
"HAHAHAHAHAHAHAHA!!"
"Mga kabataan talaga ngayon, oo. Hindi na lumulugar. Binatang mapusok, dalagitang marupok! Dyusmiyo! Pagpalain kayo. Haruuuu." ha? sino yon? mapusok? marupok?
"HA? Ace, ano daw sabe? Si Kuyang Gardener kasi di ko maintindihan. Mapusok? Marupok? Ano yon?!?!?"
"Psh. Ahm. Hahahaha. Wag mo na alamin saka na." sabi niya sabay tayo at pagpag ng damit.
*BRRRRG! KRRRSH! WOOOOOOOOOSH!* (sorry di marunong magsoundeffects si author. ehehe.)
"WAAAH! Anlakas ng kulog! Tara na uwi na tayo, shucks umulan na!!!" okay para akong shunge, nagpanic agad.
"Tara. Dun na tayo, nakapark lang kotse ko malapit dito. Hatid na lang kita. Oh, gamitin mo 'tong coat ko pampandong para di ka mabasa." galante.. naka-kotse pa! hmm ang bango ng coat niya ah :"> shet Ice ano ba sinasabi mo!!!
"Patuyo ka muna. San ka ba nakatira?" tanong niya pagsakay namin ng kotse.
"Dyan lang. Redwood Villas Condominium." medyo malapit rin kase. ;D
"Mhhhm, pareho pala tayo. Anong unit mo?" OH SHEM HINDI NGA?!?!?
"OH? 24-A ako. Ikaw?" nag-alangan pa ko kung sasabihin ko, baka sundan ako ng mokong na 'to.
"Talaga? Ikaw yung babaeng kumakanta palagi ng.. ano ba yun, call me maybe? Hahaha. 24-B." sabay smirk ampukinam! teka... 24-B?!? Shemay! Magkatabi lang!!!!
"Dito na tayo. Intayin mo na 'ko, sabay na tayo umakyat." bago pa ko nakasagot e, sumabat na siya. ambilis pala ng byahe.
"Sige."
*Pagbaba ng Elevator.*
"Oy Asungot. Salamat nga pala sa libre ah. Atsaka sa pagturo sa park." syempre, kahit makapal fez ko, kailangan magpasalamat.
"No problem. Wala kang kasama dyan?"
"Wala e. Sige, una na ko."
"Bukas ng umaga, mga 7 AM, punta ka dito, dito ka na mag-breakfast. Goodnight, Sweetdreams, Ice." haodiasdksdiofd walang nagprocess sa utak ko. teka.
ayun, pumasok na siya sa unit niya, ako din. dire-diretso na ko, nahiga na... mm this is a day well-spent.
BINABASA MO ANG
Love? Nakakain Ba Yun?
RomanceMinsan ka na bang nagtaka ng.. Love? Ano yun? Nakakain ba yun? Mabubusog ba ko nun? Read this para malaman niyo ang sagot ni Ice Stephanielle Jung sa tanong niyang yun.. tiyak, mabubusog siya.. dahil kinain niya lahat ng sinabi niya *u*