[6]
(Saturday- 7:00 am)
Ilang araw na rin ang nagdaan after sabihan ako ni Dave ng masasakit na salita. Galit pa rin siya sa akin at hindi niya ako pinapansin.
"Hay!" napabuntog hininga na lang ako habang nakatingin sa ceiling ng kwarto ko. Ngayon pala ang birthday ni Daddy, 5:00 pm pa naman kami pupunta sa mansion. Dun kasi ang venue ng birthday ni Daddy.
Kahapon may ipinadala si Mommy na damit. It's a tube-type cocktail dress at flowy yung ibabang part niya. Color pink siya na may silver na design at konting crystals details. Ang ganda nga eh.
Nakahiga pa rin ako sa kama kasi tinatamad pa rin akong bumangon. Wala naman pasok ngayon si Dave kasi Saturday at birthday ng Daddy niya. Nahihiya at natatakot ako sa kanya dahil sa nangyari. Ibang-iba siya sa Dave na hinagaan, sinundan, at sinubaybayan sa TV at magazine kaya nga as much as possible ay umiiwas ako sa kanya. Ayoko kasi na magalit ulit siya sa akin. Paano niya ko mamahalin kung puro galit ang nararamdaman niya pag nakikita niya ko.
Nagpaikot-ikot lang ako sa aking higaan. Pagtingin ko sa wall clock 7:30 am na. Antagal naman gumalaw ng oras, 30 minutes pa lang ang nakalipas.
After ten minutes, naisipan ko ng bumangon at lumabas ng kwarto. Nagugutom na kasi ako. Iinitin ko lang naman yung adobong niluto ko kagabi, sayang naman kasi nun at isa pa hindi naman kumakain ng breakfast si Dave kaya ako lang ang kakain mag-isa. Alam kong weird pakinggan na adobo ang breakfast ko pero wala akong pakialam basta pagkain yun at isa pa masarap kasi ako ang nagluto.
Pagkababa ko nakita ko si Dave na nakaupo sa sala at may binabasang mga files. Siguro para sa meeting niya yun sa Monday. Binati ko siya at pumunta na sa kusina. Hindi ko na hinintay ang response niya kasi alam ko naman na hindi niya ako babatiin. Isa pa gutom na gutom na ako. Galit-galit muna pag gutom at kainan na.
Nung natapos ako ay pupunta na sana ako sa may veranda ng nakita ko si Dave na paalis. Teka, hindi naman siya nakapangbihis pangalis kanina. Hindi ko lang yata napansin kanina.
"Dave, aalis ka ba?" pagpigil ko sa kanya bago buksan ang pinto.
"Yeah, I have a meeting I'll be back after lunch. Magready ka na because Mom's expecting us to be early. Understand?"
Tumango lang ako. Pagkaalis ni Dave ay naisipan kong mag-general cleaning ng condo. Wala kasi akong magawa kaya I made myself busy. After kong maglinis, naligo na ako. Pagtingin ko sa wall clock 9:30 am pa lang. Maaga pa naman kaya nagcheck muna ako ng blog ko baka may mga orders na naman ng sweets. Ilang araw ko na rin hindi navivisit kasi busy ako sa school at kinasal pa ako.
May mga nagorder ng cakes and cupcakes pero next week pa naman yun kaya eto ako, nakaupo lang sa sala at nanunood ng TV.
"Ano kayang magandang regalo kay Daddy? Wala naman akong masyadong pera at saka ayoko naman humingi kay Dave kasi nahihiya ako," naiusal ko na lang ang nasa isip ko.
Kinuha ko ang phone ko at tinext si Millicent para sa suggestions.
To: Millicent_ganda (ganda ng name niya sa phonebook ko noh?)
"Gurl, Ano kayang magandang gift kay Daddy? Yung mura lang ha? Wala kasi akong pera."
Naghintay ako ng ilang minuto at tumunog na ang phone ko.
From: Millicent_ganda
"Gurl, kung wala kang pera ay magbake ka na lang kasi dun ka naman magaling."
BINABASA MO ANG
A Wife's Karma (Completed) Currently Editing
RomanceYou lie just to get him. You lie just to be with him. You plan just to be his wife. You wait until he loves you but what if destiny turns down and in the end karma strikes back on you. What would a wife's do? Current Ranking: #1 in Happiness Highes...