12pm
(Playground)
YSSA POV
Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Naglalakad lang ako sa buong lugar ng CWC. Hindi naman ako natatakot kasi maliwanag naman ang paligid. Hindi lang ako makapag-isip ng maayos dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon. Galit, takot, panibugho, pagsisisi, awa at pagkamuhi hindi lang para sa aking sarili pati na rin sa mga taong nanakit sa akin ngayon. Kung titignan ako ngayon ay para akong isang zombie na walang buhay na naglalakad sa daanan na walang patutunguhan. Madilim na ang paligid at tanging street lamp lang ang nagbibigay liwanag sa dinadaanan ko. Wala akong takot na nararamdaman kung may makasalubong man akong masamang tao. Wala akong pakialam sa kanila kasi mas masakit ang nararamdaman at nararanasan ko ngayon.
Ang sakit lang ng mga narinig ko kanina. Akala ko ok kami ni Dave. Akala ko mahal niya na talaga ako. Akala ko wala ng problema sa aming dalawa kasi masaya kami nitong mga nakaraang araw. Palagi kaming nag-uusap, asaran at nagcu-cuddle. Akala ko wala nang eeksena pero puro lang pala ako akala.
Totoo pala yun, noh? Maraming namamatay sa akala lalo na sa maling akala. Kahit hindi literal na namatay ako. Namatay naman ang pag-asa sa puso ko dahil sa mga nangyari at narinig ko kanina. Hindi ko akalain na ganito kabilis ang pagbagsak ko. Hindi ko inaasahan na mabilis lang pala mawawala ang isang tao o bagay na mabilis mo din nakuha. Sabi nga ng iba ay kung gaano mo siya kabilis na nakuha ganun din siya kabilis mawawala sa iyo. Ni hindi ko nga lang narinig na sabihin ni Dave na mahal niya ko puro lang siya ang falling for you or I am getting there.
Ang sakit ng puso ko! Sobrang sakit naman ng nararamdaman ko ngayon. Hindi ko akalain na kasing sakit ito nung nawala ang mga magulang ko. Hindi ko alam kung papano ako babangong muli. Nagpunta ako sa villa nina Milly para sana makausap siya at masabihan ng nararamdaman ko kaso hindi na ako tumuloy. Nakita ko si Milly na masaya na nakikipagkwentuhan at kulitan kay Kuya Zach. Naka-akbay pa ang huli sa kaibigan ko at pasimpleng hinahaplos at inaamoy ang buhok nito. Ayokong sirain ang moment na meron sila ngayon. Alam ko na ngayong palang sila nag-uusap at nagkakacatch up sa taon na nagkahiwalay sila. At isa pa ay ayokong kaawaan nila ako dahil kung tutuusin ay hindi naman nila ako kaano-ano. Mapait na lang akong ngumiti habang patuloy na naglakad palayo sa villa nila. Sana lahat kami masaya na lang. Nakakainggit naman na malapit na ang bestfriend ko sa kanyang happy ending. Hindi ko maiwasan ang maging masaya at the same time ay maingit sa kanya.
Ngayon ay hindi ko na talaga alam kung saan ako pupunta. Hindi ko rin mapigilan ang luha ko at ang inggit ko kasi alam ko masaya na si Milly kasama ang lalaking minamahal niya ng ilang taon. Kahit na iniwan siya nito ng halos isang taon ay alam ko naman na mahal nila ang isa't isa. Siguro nagiging mas careful lang sila para wala ng masaktan sa magiging desisyon nila.
Hindi ko maiwasan ang manghinayang sa mga desisyon na nagawa ko. Nagmahal lang naman kasi ako eh. Iniisip ko na sana ganun din ako kay Milly. Sana naghintay na lang ako ng tamang lalaki na nakalaan ni Lord sa akin para hindi ako nasasaktan ng ganito katindi. Sana hindi ko to nararanasan at mas lalong sana hindi na ako naghangad ng mas imposibleng tao dahil sa isang hamak na hampas-lupa lamang na tulad ko.
Patuloy lang ako sa paglalakad habang umiiyak. Hindi ko namalayan na napadpad na pala ako sa isang park na wala masyadong ilaw. Merong isang aandap-andap na ilaw sa kaliwang bahagi habang ang isang bahagi ay maayos pa. Tinignan ko ang paligid at napansin ko na wala masyadong tao kaya umupo ako sa isang swing doon at nagisip-sip.
Sa oras ba naman na ito may tao pa kayang tatambay o maglalaro dito habang pinagmamasdan ko ang paligid. Meron akong nakitang mangilan-ngilan na naglalakad sa park na ito. Meron din mga couple na sweet at magkaakbay sa ilang bench.
"Hay!"
Napabuntong hininga na lang ako sa sitwasyon ko ngayon. Bigla akong nainggit sa kanilang lahat. Ang sasaya nila samantalang ako ito miserableng mag-isa at luhaan dahil sa narinig ko kanina.
BINABASA MO ANG
A Wife's Karma (Completed) Currently Editing
RomanceYou lie just to get him. You lie just to be with him. You plan just to be his wife. You wait until he loves you but what if destiny turns down and in the end karma strikes back on you. What would a wife's do? Current Ranking: #1 in Happiness Highes...