5 chapters lang. Yeah, yan lang kaya ng schedule ko. As in, isisingit ko lang siya, sobrang busy e. Tsaka, kapag hindi ako gumawa ng story, piling ko mababaliw ako. =)) Stress reliever na rin 'to besides tennis. :> Pero mahahaba naman siguro. Parang sequel ng Popularity chuba. Pero sila Dave and Allie yung bida dito so pede mo 'tong basahin w/o reading P+I=<3? Haha, daldal na, sarreh naman. Namiss lang. Here goes, ENJOOOOY~
Dedicated sa mga may mahal na mahal kay Davido. =))
PLAY THE SONG --------> Kung ayaw niyo yan, isip na alng kayo ng sad song taz play niyo. :> Para mas feel niyooo. XD
Teach you how to Love
Prologue~
Dave Lewis. 19 years old.
I tried to fake a smile as they excange their sweet vows, as they promise to each other in front of the altar.
Ang sakit makitang may mahal na iba yung mahal mo. Tapos ikaw naman etong walang magawa kasi mahal nila ang isa't isa kaya naman ayaw mong humadlang sa love story nila.
Iba't ibang sakit na nga naramdaman ko e. Sakit ng pagiging bestfriend, bestfriend... LANG. Yung sayo niya kinekwento lahat ng "kilig moments" nila. Lahat ng sakit na nararamdaman niya nang dahil sa ibang lalake. At eto ka naman, hinihiling na yung mga ngiti na yun, yung mga luha na yun... ay para sayo... Pero ano? Pangarap lang yun. Pangarap na hinding-hindi mangyayari.
Sakit ng pagpipilit na paglayo sa mahal mo para mapigilan mo pa yung nararamdaman mo. Haha, hindi ko nga din nagawa yan, umiyak kasi siya kaya eto ako, dapat gampanan ule yung role ko sa buhay niya.
Kala mo yan lang? Naramdaman ko din ang sakit ng pagiging rebound. Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, lumuhod ako sa kanya at nagmakaawa. Oo, para mahalin niya ako, para kahit minsan ako naman yung makita niya. Pero wala e, oo naging kami pero alam ko sa sarili ko na pinipilit niya lang yun para hindi niya ako masaktan. Alam naman naming pareho kung sino talaga yung nasa loob ng puso niya, sorry ha? T*nga e.
At ngayon? Eto ako. Best man sa kasal ng mahal ko at ng mahal niya.
"Do you, Brian Renz Thompson, take Maycee Velasquez, as your wife, your partner forever, for better or for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and cherish; until death to you part?"
Tumingin si Brian kay Maycee at hinawakan yung kamay niya. Kitang-kita sa mga mata nila kung gaano sila kasaya... kung gaano nila kamahal ang isa't isa...
"I, Brian Renz Thompson, delightfully take you Maycee Velasquez to be my wife, to have and to hold from this day forward. I will cherish our union and love you more each day than I did the day before. I will trust you and respect you, laugh with you and cry with you, loving you faithfully through good times and bad, regardless of the obstacles we may face together. I give you my hand, my heart, and my love, from this day forward for and until I breathe my last"
"And, do you, Maycee Velasquez, take Brian Renz Thompson, as your husband, your partner forever, for better or for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and cherish; until death to you part?"
Ngumiti naman si Maycee. Ayan na naman yang ngiting yan. Yang ngiting nagpatibok sa puso ko. Ngiting hindi para sa akin...
"I, Maycee Velasquez, take you Brian Renz Thompson, to be my lover, the father of our children and my husband. I will be yours in times of plenty and in times of want, in times of sickness and in times of health, in times of joy and in times of sorrow, in times of failure and in times of triumph. I promise to cherish and respect you, to care and protect you, to comfort and encourage you, and stay with you, for all eternity"
"By the power that God has blessed upon me, I now pronounce you husband and wife. You may now kiss..."
Lumabas ako, wala naman nakahalata kasi lahat sila nakatuon ang pansin sa mga ikinakakasal. Masakit. Sobra. Makikita mong ikakasal na sila. Na magsasama na sila habambuhay... Na wala ka nang pag-asa kahit... Ugh! Ang bading ko na. Bakit kasi nauso pa ang pag-ibig?
Eto na, nagtutubig na naman etong p*t***inang mata ko. Kabadingan na naman. Sinuntok ko yung puno sa harap ko. Para ano kamo? Para masaktan ako ng sobra at sana.. sa ganoong paraan, matabunan yung sakit na nararamdaman ko sa loob. Nakakainis kasi, para bang...
"Masakit noh?"
Napatingin ako sa malaanghel na boses sa likod ko. Si Allie. Yan, may pagkapareho ang storya namin, first love niya si Brian, pero hiniwalayan niya ito dahil... hindi ko alam. Ang alam ko may malala daw siyang sakit...
"Ang alin? Eto, hindi ah. Manhid na rin kasi ako"
Sabi ko habang nakatingin sa kamay kong dumudugo.
Bigla niyang hinawakan yung kamay ko at binalot ang puting panyo niya.
"Kahit anong sabihin mo, kahit anong pagkakaila mo, alam ko, alam nating pareho kung gaano kasakit."
Sabi niya ng nakatingin sa akin kung kaya't napatingin din ako sa malulungkot niyang mata... nakangiti siya, pinipilit niyang ngumiti...
Pinagpatuloy niya lang yung pagbalot at nang matapos siya, "Ayan, titigil na yung dugo. Dahil sa panyo na yan, titigil na yung sakit"
"Ha?"
Muli siyang tumingin sa akin, "Dave... Dave, right?"
Tumango lang ako at pinagpatuloy niya yung sinasabi niya, "Baka isipin mong nahihibang na ako, isipin mong desperado na ako, na hindi ko talaga mahal si Renz... Pero babae ako, tao din ako. Ayokong sa araw araw na pag-gising ko ay puro sakit ang mararamdaman ko. Gusto kong magmahal ulit. Gusto kong maging maligaya ulit. Kaya sana hayaan mo ako. Let me...
Teach you how to Love..."
Nagulat ako sa sinabi niya. Parehas kaming nasasaktan pero hindi ko akalaing... ganito...
Kung titingnan siya, para siyang anghel. Anghel na dapat alagaan dahil sobrang daling mabasag...
"P-pero, paano kung masaktan ka lang ulit? P-paano kung hindi ko makayang... mahalin ka?"
Pinilit niyang ngumiti, "Ayos lang kung hindi mo ako mahalin... s-sanay naman ako dun e."
At ayun, may tumulo nang kristal galing sa mga mata niya...
"Pero sana, hayaan mo akong turuan yang puso mo, ganoon din naman sa puso ko. Malay mo, diba? Alam kong gusto mo din maging masaya ulit. Syempre, sino ba namang hindi? Buo-in natin 'tong durog durog na 'to" sabi niya at tinuro niya yung kaliwang parte ng dibdib niya...
"Allie..."
Bigla niyang pinunasan yung mga luhang sumasayaw sa pisngi niya at pinilit na tumawa, "Ay shemay, T*nga ko noh? Sino namang baliw ang magmamakaawa na..."
Hindi niya na naituloy yung sinasabi niya, tinakpan niya yung mukha niya at ayun, umiyak na talaga siya...
Agad ko naman siyang yinakap.
At hindi ko alam pero sa pagkakayakp ko sa kanya, parang biglang gusto ko siyang alagaan. Para bang biglang gusto ko siyang mahalin... Gusto kong buo-in ang basag niyang puso at ganoon din naman sa akin...
"Oo, Allie... Please, teach me how to love you and I promise I'll try me best..."
-----------------------------
WIEEEEE! NATAPOS HABANG GUMAGAWA NG PHYSICS! HAHAHAHA. =)))))))) Sana nagustuhan niyo kahit madramang ewan. XD CORNI NOH? PASENSYAAA. :))
Vote, comment, and be a fan! <3