TYHTL~ Epilogue

108 13 9
                                    

ENJOY READING~ >:D<

TYHTL~ Epilogue

Dave's POV

Lumipas ang isang linggo.

Wala.

Hindi kami nag-uusap ni nagkikita ni Allie. Sinusubukan ko siyang tawagan pero hindi siya sumasagot. Tetext ko siya, walang reply. Pinuntahan ko siya sa bahay nila, wala siya. Nagtanong na ako, walang nakakaalam.

Iniiwasan niya ba ako? Dahil ba sa nangyari dati?

Flashback~

Nagkatitigan muli kami at parang kanina, napunta ulit ang tingin ko sa mga labi niya...

Parang may sariling utak ang mga kamay ko at hinawakan nito ang pisngi niya. Ilinagay ko ang ilang buhok na nakaharang sa mukha niya sa likod ng tenga niya at pinagmasdan siya muli.

Alam kong mali o baka magalit siya pero hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Unti-unti akong lumapit sa kanya at idinampi ang mga labi ko sa kanya...

I deepened the kiss and...

Nagulat ako ng she kissed me back. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko pero parang may tumatalon sa loob. Para ako naadik sa malalambot niyang labi kung kaya't napangiti ako habang patuloy na hinahalikan siya. Hindi ko alam kung gaano yun katagal pero nung humiwalay siya, parehas kaming hinihingal at pilit kumukuha ng hangin. I pressed my forehead into hers and looked deeply into her hazelnut eyes. May nakikita akong kung anong saya sa mga mata niya at alam kong ganun din naman sa akin. Nakatingin lang kami sa isa't isa habang nakangiti, pilit na linulunok ang nangyari.

"Allie..."

Nabigla ako nang pagkasabi ko sa pangalan niya e agad siyang humiwalay at... tumakbo palayo.

End of flashback~

Mali ba yung ginawa ko? Masyado bang mabilis? Masyado ba akong nagmamadali? Hindi ko din naman sinadya e. Parang may sariling utak ang katawan ko at ginagawa nito ang gusto niya. Pero aaminin ko, gusto ko. Kaya nga gusto ko uli siya makita, para...

"Dave!"

 Napatingin ako sa tumawag ng pangalan ko. Si Brian. "Oh, bakit pre?"

"May pupuntahan ka ba? Samahan mo naman kami, magpapaultrasound si misis"

"Naks naman, misis misis ka na diyan ah"

"Naman, umaasenso ata 'to"

--

Pagkadating namin sa bahay nina Maycee at Brian, nakita agad namin si Maycee. Ngumiti ito sa amin at agad pumasok sa kotse. Ako nga pala yung nasa likod, habang nag-uusap sila sa harap.

"Uy Davido, long time ah? Musta bespren?" sabi niya ng nakangiti.

At...

Wala.

Aaminin ko, nagulat ako.

Wala. Wala akong naramdaman. Hindi tumalon ang puso ko nang dahil lang sa tingin at ngiti niya. Hindi ito kumirot kahit nakikita ko sila ni Brian na naglalambingan. Wala na yung sakit. Wala na?

"Oks na oks bespren!" sagot ko nang napansin kong hinihintay niya akong sumagot. Agad naman nabaling ang atensyon niya kay Brian at sila'y nagusap na.

Ako? Muntanga dito na nakahawak sa kaliwang parte ng dibdib ko. Wala na? Hindi ko na mahal si Maycee? Hindi ako nakaramdamn ng kahit anong Sakit. Galit. Selos. Kahit lungkot. Kung tutuusin nga, nakangiti ako. Dahil masaya ako. Masaya ako para kina Brian at Maycee. Masaya ako para sa buhay na nabubuo sa loob ng tiyan ni Maycee. Masaya ako para sa akin. Masaya ako dahil...

Teach you how to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon