Chapter 7

36K 1K 745
                                    

Yuan

"Ma'am Yuan? Pinatatawag na po kayo ng Dada nyo, kakain na daw po ng hapunan," katok ng kasambahay namin,

"Paki sabi wala akong gana" sagot ko rito

"Naku ma'am Yuan, kumain daw po kayo, wag daw po ako aalis dito hanngat di ko kayo naidala sa Dada nyo," halong pangamba nito.

"Sabihin mo tulog na ako, basta ikaw na mag dahilan basta ayaw ko kumain."

"Ma'am please naman po, sumunod na kayo sa Dada nyo, ako po mapapagalitan eh,"

"At kaylangan nyo din po kumain, dalawang araw napo kayo di kumakain," pag papatuloy nito.

Oo dalawang araw na nakalipas mula ng mangyari ang pangyayaring kahit kelan di ko makakalimutan. Isang malaking bangungot sa buhay ko.

"Sige, baba na ako, paki sabi mag aayos lang ako."

"Pero ma'am sabi--"

"Sige na! Umalis kana!!" Sigaw ko rito.

"Ahh si--sige po.." ramdam ko ang pagkabigla ng kasambahay namin, sino ba nmn hinde, first time nilang makita akong sumigaw ng ganon,

Hindi ko ugali ang magsungit at sumigaw ng kasambahay, diko sila trinatratong iba sa pamilya, nakonsensya tuloy ako, kaya dali dali akong tumayo at binuksan ang pintuan ko, paalis na sana sya, ng tinawag ko ulit sya at humingi ng pasensya,

"Sandali." Tawag ko dito.

"P--po?" Ramdam ko ang takot sakanya,

"Pasensya kana kung nasigawan kita,masama lang kasi pakiramdam ko," pag dadahilan ko dito.

"O-ok lang po.. gusto nyo po ba ng gamot?? Dadalhan ko po kayo"

"Wag na, paki sabi na lang kay Dada baba na ako."

"Sige po ma'am,"

At umalis na ito,muli akong pumasok sa loob at pumasok na sa banyo para maka ligo, tinanggal ko lahat ng damit ko at humarap sa nag aagos na malamig na tubig na dumadaloy sa buo kong katawan, habang tinitingnan ko ang sarili ko sa malaking salamin, napapikit ako ng mariin dahil sa mga nangyari mula ng gabing yon,

Di ko akalain na magagawa nya sakin yon, walang tigil ang pag iyak ko hanggang sa naka upo ako sa sulok yakap yakap ang tuhod ko,

Masyado akong nadismaya sa mga pangyayari, ang taong pinagkakatiwalaan ko, ang babaeng kakampi ko, ang babaeng tinuring kong best friend, kapatid. At higit sa lahat ang tinuringan kong Ate. Ay sya pang sumira sa buhay ko.

Flashback

Nagising ako sa walang tigil na pag ring ng cellphone ko, kaya dahan dahan kong minulat mga mata ko, dayil nag aadjust pa sa liwanag, dagdag pa na sumasakit ang ulo ko, ng makita ko ang cellphone ko sa side table, diko na naabutan ang tumatawag pero laking gulat ko na napakaraming text at miss calls.

Lahat galing sa pamilya ko, at sa mga kaibigan ko, nag taka man at inaantok pa ay binuksan ko ang mga massage nila, inuna ko ang tatlo kong kaibigan, chinek ko muna ang oras sa phone ko at 1pm ng hapon, wow ang haba pala ng natulog ko.

Sab: Yuan nasan kana?? Di kaba papasok?

Demi: Yuan are where are you? Hinahanap ka samin ng kuya Paul mo.

Parang dun ako nagising sa text ni demi, anong ibig nyang sabihin hinahanap ako ni kuya?

Vanessa: shobe! Nag aalala na kame sayo, sagutin mo naman tawag namin, nasan kana ba?? Umiiyak na mommy mo sa kaka alala."

#1 PIKOT (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon