Chapter 47

15.7K 446 5
                                    


Apple

Hanggang ngayon ay di pa rin nag sasalita si Veronica, kahit anong pilit sakanya ng mga police ay nanatiling na ka tikom ang mga bibig nito.

Nawawalan na ako ng kumpyansa makita pa namin si Yuan dahil hanggang ngayon wala parin kameng nakukuhang lead. Sadyang matalino at magaling mag tago tlaga ang babaeng yun.
Naputol ang pag iisip ko ng lumabas sa opisina si Daddy Jerry at ang Hepe.

"Luna! Nasan si Guevara?"

"Sir, nasa cafeteria nananghalian po eh." Sagot ng isang police, na sa tingin ko ay isa itong babae, kaso naka gupit ito pang lalaki, sa kilos at galaw nya isa nga itong butch. At kapangalan nya ang anak ko, na miss ko tuloy si Luna,

Malamang nasa school na ito, wala syang kamalay malay sa nangyayari sa paligid nya.

"Tawagan mo, sabihin mong mag report muna sya sakin. May itatanong lang akong ukol sa kaso."

"Yes Sir, ako na pong bahala."

"Maiwan ko muna kayo," paalam ng Hepe samin.

Tumango lang kame bilang sagot, kame-kame na lang naiwan, dahil pina una na namin sila Mama Amanda, Monique at ang dalawang matandang asawa na si Mang Kanor.

"Dad, ano pong balita sa loob?" Tanong ni Paul sa ama.

"Wala eh, masyadong matigas si Veronica, ayaw mag salita." Sabay upo nito sa couch.

"Pero ayon sa pag iimbistiga nung pag ka huli kay Veronica kanina eh sa Recto ito nahuli, kaya may hinala ang mga police na nag papagawa ito ng mga pekeng dokumento." Pag papatuloy nito.

"So ibig nyong sabihin, may plano syang lumabas ng bansa?"

"May posibilidad. Kaya nga mas hinigpitan nila ang bantay, lalong lalo nasa airport."

"Ikaw Apple, di ka ba uuwi muna at para maka pag pahinga kana din. Kame na muna ni Paul ang bahala dito."

"Ok lang ako Dad, kaylangan and-"

"I think, tama si Dada Apple. You need to rest, kagabi ka pang walang pahinga. Kaya please mag pahinga kana muna."

"At kapag may lead na kame, tatawagan ka namin agad." Pag papatuloy ni Daddy Jerry,

Bumuntong hininga na lang ako at tumango dahan dahan,

"Good... Ihahatid ko muna sya Dada."

"Oh sige, mag iingat kayo."

Pag labas na  kame ng prisinto, nang napahinto kame sa ingay nanggaling sa Front Desk.

"Bakit hindi pwedeng ilabas ang anak ko?!!"

Sigaw ni Mr. Morris, ang ama ni Veronica,

"Sir, mabigat ang kaso ng anak nyo, kaya none avail ang kaso nya. Pasensya na po." Sagot ng Police rito

"Dodoblehin ko ang bayad kahit mag kano pa yan, basta palabasin nyo ang anak ko!"

"Sir-"

"Dad, tama na yan, ah.. sir pwede bang maka usap na lang nmin ang kapatid ko?" Pag pipigil ni Cecile sa ama.

"Yes Ma'am, ah.... Gomez paki dala sila sa loob kay Veronica Anderson Morris"

Ginaya naman nila si Mr. Morris papasok sa loob ng visiting room. Papasok sana sila ng napahinto ng makita kameng naka tayo sa gilid.
Talim paningin ang ginawad ni Mr. Morris samin, kulang na lang na patayin nya kame sa talim nyang tumitig, lalong lalo na kay Daddy Jerry.

#1 PIKOT (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon