Chapter 20

26.5K 780 174
                                    

Apple

Nagising ako dahil wala akong maramdamang katabi, minulat ko ang mga mata ko at walang Yuan sa tabi ko. San naman pumunta yun? Tumingin ako sa side table para alamin ang oras, and it's 4 am in the morning pa lng.

Bumangon ako at tinungo ang banyo ngunit wala rin ito. Kaya lumabas na ako ng silid at tutungo sana ng kusina ngunit naagaw ng pansin ko ang naka awang na pinto ng kwarto ni baby Luna, pag silip ko napa ngiti ako dahil nandito lang pala ang hinahanap ko, malamang umiyak na naman to kanina, pansin ko din sa anak kong ito hinahanap nya talaga ang amoy ni Yuan, alam nya pag si Yuan ang bumubuhat saknya. Matalinong bata like Mommy.

She's now 8 months old at kamukhang kamukha nya si Yuan, kahit san angulo mo sila tingnan dalawa ay di nag kakalayo. Napangiti naman ako habang pinag mamasdan ko si Yuan, hanggang ngayon kasi di pa rin ako maka paniwala na inaya nya akong mag pakasal, ang dati kasing babaeng pinag mamasdan ko lang mula malayo, ang babaeng pinapangarap ko, ang babaeng kinababaliwan ko, ang babaeng nag pa curious sa sexualidad ko, pero don't get me wrong, nabaliko lang ako only for Yuan my love.

Speaking of kasal, napag usapan na namin Yuan na after graduation nya kame mag papakasal, ako na nag disisyon kasi i know how un din ang gusto nya dati pa. Total opening na next week and she's already 4th year college, months lang naman bibilangin sandali lang yan.

Diko na kinaya ang antok kaya tumabi na lng ako sa mag ina ko, dahil like mother like daughter kasi, di din ako makatulog pag di ko naamoy si Yuan, amoy baby kasi nakaka adik 😍. Napapa gitnaan kame ni Luna, wala na ako mahihiling pa, lahat ng pangarap at inaasam ko dati natupad na, at unti unti na akong minamahal ng ina ng anak ko.

Nailimpunatan ako dahil parang may naririnig akong highikan at may nararamdaman akong parang may isinusubo sakin, kaya na pamulat ako ng mata at nakita ko si Luna na nasa harap ko habang naka upo at sinusubo nya pala sakin ang bote ng gatas nya, habang ang isa naman nag pipigil ng tawa, tsk... Maloko talaga ang mag inang to.

"Good morning baby," at hinalikan ko ito sa noo, lalapit pa sana ako kay Yuan para halikan sana ng may palad na humarang sa mukha ko,

"Mag mumug ka muna, bago mo ako halikan,"

Tsk... Sungit,

"Bakit ba, isa lang naman eh kaya pa kiss!! 😘"

"Mag mumumog ka o wala kang halik," pag babanta nito.

"Oo na oo na, aga aga sungit" maktol ko dito, nag tungo na ako sa banyo at ginawa ang morning rituals ko, at ng matapos na, ay lumabas na ako agad,

" I'm done ngayon nman siguro pwe---" naputol ang sasabihin ko ng wala akong makitang anino ng dalawa sa kwarto. Tsk... Naisahan na naman ako ni Yuan. 😑

Kaya, bumaba na ako para maka almusal, i know nasa baba na mga yon.

"Oh, iha... Halika na, kain na." Yaya sakin ni daddy Jerry. Oo dad na daw ang itatawag ko sakanya total magiging asawa naman ako ng anak nila kaya masanay na dw ako.

Umupo ako sa tabi ni Yuan na ngayon napangisi na parang baliw, alam ko naman na pinagtatawanan nya ako dahil sa di ako naka score ngayon, dahil nga naisahan nya ako. Hmmmmph humanda ka skn mamaya, revenge time baby.

"Kumain kana," nagulat ako ng pinag silbihan nya ako, nilagyan nya ng pagkain ang plato ko.

Di siya showy nà tao, pag dating sa pag mamahal pero pag tinopak you can see and feel na she care at you.

"Yuan, ano oras ka mag eenrol?" Tanong ni daddy jerry sknya.

"Mamaya po mga 10 am,"

"Ok,"

#1 PIKOT (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon