Chapter 17

26.7K 875 197
                                    

Solen Heusaff as Cecile on the media ☝
-----------------------------
Apple

Nailimpunatan ako sa malakas na katok sa may pintuan, inis na napatingin ako sa orasan and it's almost 9 am na din naman pala.

Nakarinig muli ako ng katok kaya bumangon na ako at binuksan ang pintuan, nasa labas pala ang yaya ni Yuan na si Yaya Lagring.

"Good morning iha, pasensya kana kung nagising kita,"

"Ok lang po yun, may kaylangan po ba kayo nanay Lagring?" Tanong ko rito. Tumango ito at sabay silip sa loob ng kwarto malamang tinitingnan nya alaga nya.

"Tulog pa pala ang Batang yan, pinatatawag kasi siya ng Dada nya, ibig kong sabihin kayong dalawa,"

"Bakit po?"

"May mga police sa baba, at kaylangan nila kausapin si Yuan sa nangyari sa pool area kagabi."

"Ah ganon po ba? Sige po gigisingin ko na po sya, mag aayos lang kame at baba na din." Sabi ko rito.

"O sya sige iha," aalis na sana ang matanda ng muli itong bumalik.

"Siya nga pala Apple, malaki na pala tiyan mo ano, ako mag aalaga sa bata ha, hahaha matagal na din akong di nakaka alaga ng bata, medyo damulag na ang baby ko na ngayon magiging ina na rin." Habang naka tingin kay Yuan,

"Ano ba naman kayo, syempre po kayo po mag aalaga sa bata, kahit di nyo na sabihin."

Ngumiti lang ito at naging seryoso at hinawakan ang mag kabila kong kamay,

"Apple, alam kong hindi ka pa lubusan tinatanggap ni Yuan, pero sana wag kang sumuko sa batang yan. Bigyan mo lang sya ng time para mag isip, maintindihan ka din nya, lalo na pag lumabas ang bata. Don mo makikita ang pag babago nya, mag tiwala ka sakin kilala ko alaga ko. Matutunan ka dn nyang mahalin."

Na touch naman ako sa sinabi ng Yaya ni Yuan, parang ito ang nag bigay sakin ng boost para di ko susukuan si Yuan, and that definitely never gonna happen. Yan ang first priority ko, ang mahalin ako ni Yuan.

"Salamat po nanay,"

"O sya, gisingin mo na ang batang yan, sya nga pala gisingin mo ng maayos ha. Wag mong biglain masyado yan pikunin pag sapilitan mo syang ginising. May toyo ang utak minsan hahaha"

"Hahaha sige po, pasabi na lng sa baba na mag aayos lang kame,"

Tumango lang ang matanda at umalis na ito. Lumapit ako ulit sa higaan at pinag masdan ang babaeng lubos kong minamahal sleeping peacefully. I'm grateful dahil iniligtas nya ako kagabi, muntik na akong matamaan and she save me na kahit alam nyang masasaktan sya. Sobra akong natakot sa nangyari,

Napa isip naman ako, may nag tatangka sa buhay ko? Pero sino? Wala naman akong maalala may kaaway ako. Muli kong tiningnan si Yuan at pinagmasdan ang maamo nyang mukha, she look like a sleeping angel.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
#1 PIKOT (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon