001

36 2 0
                                    


June 19, 2014

Grade 10.

Grade 10 ako nung nakilala ko sya. Transferee sya galing Manila. Hindi ko sya masyadong pinansin nung una dahil nga bago sya dito sa School namin.

Tatlong araw syang late bago sya nakapa pasok sa school kaya nakapag simula na rin ng klase nuon.

Science ang una naming klase pero wala si Ms. Reyes. Mag isa syang naka upo sa pangalawa row habang kami ng mga kaibigan ko eh nag kwekwentuhan. Tahimik sya buong isang oras at naka upo lang sya sa bangko.

Natapos ang isang oras at recess na namin. Inaya sya ng iba naming kaklase para kumain pero tumanggi sya. Busog raw sya at meron raw syang baon.

Natapos ang klase namin nung umagang iyun at nag Lunch break. Balita ko eh madami na agad ang nagka gusto sa sakanya dahil raw sa kagwapuhan nya.

Hinintay ko magsimula yung klase namin sa hapon para lang tignan kung gwapo ba talaga sya. Hindi ko kasi sya masyadong napansin nuon.

"Magandang Umaga Class." Pag bati ni Ms. Sanchez saamin, Fil teacher namin.

"Cher! May bago na naman po kaming kaklase."

"Papakilala pa po ba sya?"

Tinignan ko sya pero naka tingin lang sya sa desk nya. Gwapo nga sya at maganda ang pangangatawan. May magaganda syang mata at may malaking ilong na bagay sa mukha nya. Mga maliliit na labi na parang sobrang lambot.

"Nakilala ko na sya kanina, pero sige mag pakilala ka parin ijo." Sabi ni Ms.Sanchez na nagpagising sa diwa ko.

Tumango sya at tumayo. Nag lakad sya papuntang harapan tska umayos ng tayo.

Matangkad, May magandang pangangatawan, Gwapo, Tahimik?

"Hi. My name Jungkook Jeon. Pero Jungkook nalang ang itawag nyo saakin. Mag 16 ako sa September 1." Ang sarap pakinggan ng mga boses nya. Yung tipong aakalain mong may nag sasalitang anghel?

Sa mga ilang minutong nakatayo sya sa harapan eh hindi naalis ang tingin ko sakanya. Para siyang isang Obra ng sikat na magpipinta na tinitignan ko ang bawat detalye ng pintang ito. Hindi ko maiwasan hindi tumingin sa mga mata nya, para akong tinatawag ng mga ito .

Umalis sya sa harapan at hindi ko naintindihan ang mga sinabi nya dahil nakatitig lang ako sakanya.

Umupo siya ulit sa bangkuan nya at tumingin lang sa Teacher naming nag lelesson. Pinilit kung wag tumingin sakanya dahil baka kung ano na ang isipin niya.

Pero sa huling pagkakataon similip ako sa direksyon mo. At duon ko nakita, naka tingin ka rin sa direksyon ko.

At hindi ko malilimutan ang unang beses na nasulyapan ko ang mga ngiti mo.

2014Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon