003

16 2 0
                                    


July 14, 2014

Monday nuon at magka group tayo para sa isang Group Activity sa Religion. Medyo naging ka close ka na rin namin sa Room. At nagkaka usap na rin tayo.

May iilan ka na ring kaibigan dito pero tayo ang palaging magkasama. Madalas matitinik ang tingin ng mga may gusto sayo pagka bababa tayo ng magkasama.

"Tapos mo na ba yung hinihinging Explanation sa number one?" Tanong mo habang mag katabi tayo sa upuan sa tambayan natin malapit sa manyanita.

"Ahh-ehh oo, ipapatype ko nalang kala Jessile" sagot ko tska lumingon sa direksyon mo. Nahuli na naman kitang nakatitig saakin. Ang sinag ng araw na dumadapo sa mga mata mo, yung gintong saya sa mga mata mo.

Oh kay sarap talagang tignan ng mukha mo. Sauluhin ang bawat detalye nito.

Lumipas ang mga araw, linggo, buwan. Lalo pa tayong naging malapit sa isa't isa. I still remember the gleaming light of the sun in your eyes and a sky painted on your face whenever I caught you looking at me.

Kada isang detalye sayo ay nasasaulo ko. May kung anong saya sakin kapag magkasama tayo. At may kung anong lungkot o pag kukulang kapag wala ka sa tabi ko.

2014Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon