July 09, 2014Halos tatlong linggo na ang nakalipas simula nung una kitang nakita. Medyo komportable ka na sa Klase at hindi ka na ganun nahihiya.
Nabalitaan ko na nag Audition ka raw sa isang Sikat sa Singing Contest sa Manila, kaso hindi ka nag patuloy dahil sa pag aaral mo.
Nalaman ko rin na may kaya kayo sa Buhay at lagi kayo palipat lipat dahil sa business ng Papa mo.
Recess ngayon at nandito kami sa may tambayan namin malapit sa Manyanita ng Bagong Building dito sa School. Hindi ganun kalaki ang School namin, hindi rin ganun karami ang mga Estudyante.
Pero kalahati ata ng mga Estudyante dito ay may gusto saiyo. Mapa babae at lalake eh napapatili mo. Siguro nga ay mas nagugustuhan ng karamihan yung mga tahimik na hindi maka basag pinggan.
Marami ka ring Followers sa Facebook at IG. Siguro ay marami talaga ang nag kakagusto sayo.
"Princess kumusta naman iyong bago niyong kaklase?" Kalabit na tanong sakin ng isa sa mga kaibigan ko
"Ha?"
"Si Jungkook ba iyun? Kakaiba kasi ang pangalan eh"
"Ahh oo, ayus lang naman hindi na sya ganun nahihiya. Nakaka pag adjust na siguro."
"Balita ko half korean iyun kaya ganuon ang pangalan." Sabi naman ng boyfriend ni Anna, si Jaren
"Ahhh baka nga, kaya siguro ang gwapo gwapo." Biglang singit ng bakla kong kaibigan.
Nahiwalay ako ng Section saming magbabarkada. Pero ngayon ay hindi na ako ganuon kalungkot dahil nasanay na rin siguro ako.
Time na at bumalik na ako sa Room pero Vacant pala namin. Dumiretso ako sa upuan ko at hinayaan ang iba kong kaibigan sa mag kwentuhan.
Sinuot ko ang earphones ko at nagpatugtog lang ng kung ano sa phone ko.
Maya maya ay may naaninag akong isang katawan na naka tayo sa gilid ng desk ko.
Jungkook.
"Ahh.. Princess? Pinatatawag ka ni Ms. Sandro sa Faculty Room." Ang mala anghel mong boses ay muli ko na namang narinig, para itong isang kanta na pampatulog sa mga sanggol.
Naka titig lang ako sa mukha mo habang dinadamdam ang bilis ng tibok ng puso ko. Para itong gustong kumawala sa pinag kukulungan nito. May hindi ako malamang nararamdaman kapag malapit ka sakin. Parang may nag wawalang kung ano sa loob ng katawan ko.
"Princess?" Tawag mong muli.
Gumising ako sa realidad at tumango.
Tumayo ako at pumunta nalang sa faculty room.
Hanggang ngayon ang pinipilit kong kalmahin ang sarili ko sa hindi familiar na nararamdamn ng buong katawan ko. Hindi ko naman first time malapitan ng isang lalake kaya nag tataka ako kung anong nangyayare sakin.
"Princess wait!" Kilala ko ang boses na iyun.
Biglang nag huramentado na naman ang katawan ko ngunit nilingon ko iyun at ngumiti.
Lumapit sya sakin tska iniabot ang Phone ko "You forgot this." Naka ngiti mong sabi habang naka lahad ang kamay mo, iniaabot ang Phone ko.
Unti unti akong nakulong sa mga tingin mo, kasabay ng mga ngiti mo. Para kang araw na hindi kayang lapitan ng kahit sino. Napaka ganda ng mga ngiti mo.
Parang gugustuhin ng kahit na sino makita ang mga ngiti na yan kada gigising sila sa umaga. Mga ngiting nagpapasimula ng ganda sa umaga.