He's a god.
Hindi literal. Figuratively. Ramdam lang. Personal na opinyon.
Sa isang rundown na apartment complex sa Manila, nabubuo -kumbaga, nililikha ang daan-daang storya ng buhay.
Mula sa munting laptop ng isang neet, nama- manipula niya ang leteng ng kapalaran upang sundin ang bawat salitang nalilikha.
Nakukuha sa utak at imahinasyon. Halu-an ng konting internet friends na tumutulong sa pagkuha ng impormasyon at inspirasyon. Tapos, boom. Tambak-tambak na drafts. Libo-libong pages, nagtipon.
Ito lang ang kailangan niya. Hindi na kailangang lumabas pa sa sariling zone at baka masunog siya sa liwanag. O malusaw sa titig ng ibang tao.
When was the last time he went out of his room? Last year? Never? Ano pa bang ibang rason para lumabas maliban sa bumili ng one year supply ng cup noodles at tinapay o kadalasan, boxed lunch? At sa rare occasion na magkaroon ng sale, baka bibili rin siya ng dalawang pack ng papel.
Hindi kailangang tanungin kung kailan siya huling naglinis, dahil unang tingin lang sa loob ay alam na kaagad sa basurang abot kisame na.
"Hindi ako papasok diyan." Reklamo ng ikalawang nakakatandang ate na binibisbisan ng alcohol ang apartment niya.
Hindi niya naaamoy ang basura, pero amoy na amoy ng kapitbahay na si Ysael.
She was fed up with him. What the fuck is up with that stench? Parang last week pa siguro ang amoy na 'yan. Una niyang naamoy 'yun noong kalilipat niya pa lang dito. Tanghaling tapat at naamoy niya mula sa bintana niya.
Patay na ba siya?
Sinubukan na rin niyang magreklamo tulad kahapon nang hindi niya naubos ang nilutong karne dahil pumasok ang baho sa kusina.
Hindi niya magawang magreklamo. Nakakahiya naman kasi. Ngunit iba na ngayon. Maglalakas-loob na siya. Hindi niya na niya papabayaang madistorbo ang araw niya.
Galit siyang naglakad papunta sa pinto ng kapitbahay at kumatok, mas specific pa - ibinagsak ang kamao nang malakas.
Nang walang sumagot sa unang bagsak, gamit ang daliri, galit na sinuklay ni Ysael ang buhok paalis sa mukha.
Hinarap niya ang pinto. Binasa niya ang nameplate na kulay puti.
Apartment 105
SalviIsang katok. Dalawang katok. Tatlong katok. Walang sagot. Baka walang tao.
Pero may narinig siyang kalantog. Tunog ng nagbanggaang lata, mahina pero rinig. May tao nga! Mas nainis si Ysael.
Pinaparusahan ata siya ng mga anghel sa itaas sa araw na 'to dahil sa panghuling bagsak ng kamao niya sa lumang pintuan, nabutas ang gitna ng pinto.
Tinitigan niya ang butas. Tinitigan siya ng butas. Pinagtatawanan siya ng butas. Maaaring ang mga anghel din sa itaas.
"Magdasal ka na, boi." Pang-aasar na tugon nila.
Ginulo niya ang buhok niya at bumuga ng mura. "Pu. . . tangina."
Ilang beses nagmura si Ysael. Humalinghing. Dumaing. Hinampas-hampas ang ulo sa railings.
BINABASA MO ANG
Si Ysael at Mateo
RomanceSi Ysael at Mateo ay ang walang-ambag-sa-society duo, trapped in their own little world.