IV - Drunk Weeb

36 0 0
                                    

Hindi makasalita si Mateo.

"Uhm. . ."

Titig.

"Uhh. . ."

Titiiiiig.

"Ahh,"

Matinding tinitigan ni Ysael si Mateo. Sa paningin niya, mukhang galit si Ysael ngunit sa totoo lang, nagde-daydream lang talaga siya.

Mateo's hair was as messy as ever. Mahaba pa rin ang bangs niya, umabot na ata sa batok at. . . teka, sandali. May nag-iba ata.

Mas naging anghel siya, hihi. (Ew)

Muling pinagmasdan ni Ysael ang mukha ng lalake.

Umiling si Ysael sa inisip, natatakot sa posibilidad na mag-ibang anyo na lang bigla ang lalake bilang isang seraphim at magsimulang selyuhan ang hindi dapat masulyapang kabanalan niya.

Nabubulag na nga ako nang mortal pa lang, paano na kapag naging isang anghel na? Naku po, Panginoon, salbahin niyo ang naghihingalong ako.

"You know what," Napahaltak si Mateo sa pagtapik ni Ysael sa kanya. "Lakad muna tayo. Pampawala ng nerbiyos."

Na parang napagplanuhan na ng kalangitan ang lahat, tumahan ang ulan. Pagtayo ni Ysael mula sa kinauupuan, hinintay pa ng lalake na makalabas siya bago tumayo at sumunod.

Habang naglalakad, napakamot ng batok si Ysael. Muli siyang napabuntong-hininga nang nilingon niya si Mateo na isang metrong layo ang kinatatayuan mula sa kanya.

"Paano ako napunta sa pagalaga ng aso sa pagalaga ng isang matandang lalake? Ang buhay talaga ay napakamisteryoso." Bulong niya sa sarili.

Patuloy silang naglakad.

At naglakad.

At kung may palikuan, tatanungin niya ng "Kaliwa o kanan" si Mateo na ang sagot lang ay laging may uh at uhm at paminsan-minsan ay nabubulol na.

Ilang oras silang naglakad. Hindi naman sa nakakapagod, nabibigatan lang sa pakiramdam na may taong nasa likod niya. Baka biglang mawala paglumingon siya, eh. Nakakatakot.

Huminto muna si Ysael sa tabi ng isang tindahan-- Nenengdahan-- nang may pumasok sa isipan niya, tumingin siya sa likod, kay Mateo na lumalakad nang walang landas.

Hindi nagtagal ay nabangga ng noo niya ang likod ni Ysael.

Napatingala agad siya at nagsorry.

"Ayos ka lang?"

Napatango-tango si Mateo at nang nagkaroon ng tyempo, ginulo ni Ysael ang buhok ng lalake. Nakaharap si Mateo sa kanya pero ngumisi lang siya.

"Kalma lang." Payo niya. "Breathe in,"

Sumunod naman si Mateo.

Ha, amusing.

"Breathe out." Buga. "Breathe in." Hingang malalim.

Si Ysael at MateoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon