II - Gising!

31 0 0
                                    

Nagiging routine na ni Ysael ang sumilip sa Apartment #105. Naghihintay kung lalabas ba ang lalake. Kapag nakauwi, susulyap sa kabilang pinto. Nagiging guess game na nga, eh. Tina-try hulaan kung anong schedule lumalabas si Mateo.

Kaso wala siyang schedule. Ang hirap malaman. Malilimutin rin kasi niya.

Bahala na. Who cares about the details? Hihintayin ko na lang araw-araw para surprising.

Naisip pa ni Ysael ang umakto nang una pero nakakahiya. Feeling close lang?

Buti na lang at nadaanan niya ang pack ng Maki sa convenience store at naisipang gamitin 'yun bilang excuse.

Umubo muna siya at inayos ang damit. Nag-vocal exercise bago kumatok sa pinto kung saan nandoon pa rin ang construction paper sa ibabaw ng butas.

"He-" Tigil. "Uhm, so-" Ubo. "Si Ysael 'to-" Tigil. "Sama tayong kuma-" Tigil.

Bumagsak siya sa sahig. Nagc-cringe sa sarili. Paano ba ulit magsalita? Nalimutan na ata niya, eh.

Tinakpan niya ang mukha ng dalawang kamay. "Ang korni!"

Sa araw na 'yun, umuwi siyang bigo at kumakain ng dalawang pack ng maki mag-isa, nagpapanggap na umiiyak.

Bago alamin kung anong sasabihin niya kung sakaling magkrus ang landas nila, alamin muna natin kung bakit. Bakit gusto niyang makipag-usap? Bakit siya nag-a-anticipate?

Dahil kuryoso siyang tao? Lol, hindi.

Ang totoong rason, base sa kanya, interesting. Nasarap paglaruan. Miss niya na din si Aso na nasa Davao, kasama ang mga magulang niya. Nakakaiyak, wala na siyang na-pa-pat sa ulo.

Diba't ang sarap guluhin ng buhok ng lalakeng 'yun? Maypagka-wavy pa tapos makapal. Napaka-ten-out-of-ten sa standards niya.

Umalis na siya sa bahay pagdating ng hapon. May kaunting oras pa bago ang klase niya't kaya't naglakad-lakad muna siya. In-e-explore ang mga tao. Nag-oobserba.

Sa unang sip sa kapeng inorder, may lumapit sa kanyang dalawang estudyante. Isang babae at bakla. Nandiri agad siya sa ideyang may kakausap sa kanya. Hindi pa niya ramdam na makipagusap sa kahit sino ngayon.

Tumingala siya sa dalawa. Ang morenang babae ay may buhok na hanggang balikat, braces at may dalang iphone. Ang bakla naman ay mas matangkad sa babae, mapayat at maypagka-feminine.

"Hello po, ate! Ako po si. . ." 'Di niya pinakinggan ang pangalan. "We're having a photoshoot po kasi and we would like you to join po since you're very qualified. Okay lang po?" Tanong ng babae.

So magalang.

"Para saan?"

"Para sa gig po namin."

"Ahhh. . ." Tango-tango. Humingang malalim si Ysael. Nagbigay ng poker face sa sarili dahil ayaw niyang sumali. Pero parang ang rude kapag humindi.

"Ate?"

"Kayo ang bahala." Ngiti.

Sinabi nila ang schedule ng photoshoot nila. Panay ngiti at tango lang si Ysael tapos kumaway nang umalis sila.

Ahh, sagabal sa buhay.

Binuksan niya agad ang selpon niya pagupo sa klase. Naglalaro siya ng 2048 habang nakikinig sa prof at nagte-take rin ng notes. Grabe, multitasking level 9000.

Panay labas ang notification ng isang random na groupchat sa messenger, nambubwisit sa laro dahil nasa-slide niya sa gilid, kaya pinili niyang i-mute ito.

Si Ysael at MateoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon